Where is Rosie by SundayisBest Goodbye for now THIRD PERSON POV Wala silang lahat sa tamang wisyo lahat sila nakatulala lang sa mga kabaong ng apat nilang kaibigan. Pagkatapos mamatay ni Rollen noong nakaraang linggo ay ngayon ginaganap ang burol ng apat. 5 out of 9 kahit hindi pa nakikita si Rosie pakiramdam nilang wala ng pag-asang buhay pa ito lalo na't isa isa silang namatay. "Tama nga si Rollen iniisa-isa na talaga tayo." sambit ni Sicario. "Mamamatay din ba ako?" Hindi maiwasan ni Eudora ang mangamba dahil sa nangyayari ngayon, ilang buwan pa lang ang lumipas nang makilala niya ang mga ito at may nangyari kaagad na ganito. "Wa'g mong sabihin 'yan Eudora wala na ulit mamamatay sa atin." Sambit ni Ece na seryoso ang mukha sa gilid tumango na lang si Eudora at binaliwala ang mga

