017

1708 Words
Where is Rosie by SundayisBest Demonyo THIRD PERSON POV "What the f**k!" Sigaw ni Rollen na hindi makapaniwala sa nangyari sa nobyo niya. Natagpuan nila ang bangkay ni Russelle na lumalangoy sa sarili nitong dugo. Hindi nila alam kung sino ang gumawa neto sa kaniya. "Ngayon niyo sa akin sabihin na hindi tayo iniisa isa ngayon? Isa isa na namamatay ang mga kaibigan natin! Hindi natin alam kung sino sa atin ang isusunod ng taong 'yun!" Galit na sambit ni Rollen. "Pwede bang kumalma ka muna Rollen." Hinilot ni Sicario ang sintido niya, hindi niya na alam kung anong gagawin siya na lang ang natirang lalaki sa kanilang magkakaibigan. "P-Paano kung ako na pala susunod? T-tulungan niyo ako!" Hindi na magawng kumalma ni Rollen "Kamamatay palang ng boyfriend mo Rollen baka naman gusto mong manahimik muna kahit sandali. Bigyan mo ng katahimikan ang pagkamatay ni Russelle." Na-stress na si Indiax dahil sa pag-hysterical ni Rollen. Napa kalma naman no'n si Rollen. Nanaig ang katahimikan sa kanila ng biglang dumating sila Rose kasama ang mga alagad niyang sila Connor at Cole. "Condolence sa nangyari sa mga kaibigan niyo, nakikiramay kami." Yumuko sila Rose para magbigay ng respeto. "Anong pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Ece. "Tatanunginlang namin kayo kung ano ang ginawa nila, saan sila pumunta, sino kausap nila bago sila mamatay." Sagot ni Cole, inaya nila itong pumunta sa dining area para doon maupo. "Simula muna tayo kay Frankie, diba sabi niyo Eudora nakasama niyo siya sa Bar bago siya mamatay right?" Tumango sila Eudora at Indiax. "May napansin ba kayong kakaiba bago siya mamatay?" "Wala naman po pero katulad po ng sinabi namin noong nakaraan simula no'ng bumalik siya mula sa pagkaka-usap nila ng mama niya hindi na namin siya nakita hanggang sa umuwi na kaming lahat." Sagot ni Eudora. "Pwede niyong tanungin 'yung bartender na naiwan do'n o kaya 'yung owner ng Bar." —Indiax "Nakuha na namin ang CCTV at ang statement ng owner pati na rin ng Bartender na naiwan, sabi nila nagpa-iwan si Frankie sa bar ng ilang minuto pinaalis niya din ang bartender dahil trip niya daw mag-drama pagkatapos ng ilang minuto nakita namin ang paglabas ng isang tao sa bar at sumunod naman si Frankie." Saad ni Rose. "Tsaka siya nakita sa bakanteng lote na palutang-lutang?" Tumango si Connor sa tanong ni Eudora. "Ano namang nalaman niyo sa pagkamatay ni Oswald?" Tanong ni Olivia. "Nakita namin sa CCTV Camera na dinaanan niyang Highway ay may hinintuan siyang tao sa gilid ng highway, pinasakay niya ito at nag-driva papunta dito..." Sabay turo ni Rose sa parte ng mapa na puro puno ang makikita. "Diyan din siya namatay diba?" "Oo" "Sa tingin niyo 'yung hinuntuan niya isa sa amin?" Napatahimik sila dahil sa tanong ni Olivia. "Paano mo naman nasabi?" "Hindi hihintuan ni Oswald ang taong hindi niya kilala, ang hindi niya nakaka-usap at sa lahat ng estudyante na nag-aaral sa University kami lang ang nakaka-usap niya wala ng iba." Paliwanag ni Olivia. "Imposible naman yata'yan Oli baka naman pinsan niya 'yun o 'di kaya kalaro sa basketball." Sabat ni Rollen "It's just my theory, wala naman siguro sa inyo ang papatayin ang sarili niyong kaibigan diba?" Hindi sila nakasagot sa tanong na 'yun ni Olivia. Pekeng umubo si Connor para medyo mabawasan ang tensyon na nabubuo sa kanila. "'Yung kay Russelle naman baka may alam kayo bago siyang mamatay?" Lahat sila nagsitinginan kay Rollen siya lang naman ang laging kasama ni Russelle kaya pwedeng may alam siya. "Sinundan niya ako pagkatapos kong mag-walk out dahil sa nangyari sa atin kahapon pagkatapos no'n wala na ulit akong alam sa ginawa niya." Pagkwe-kwento ni Rollen. "Alam mo bang may secret room siya?" Napakunot noo si Rollen dahil sa sinabi ni Detective Cole. "Secret Room?" Nagkatinginan ang tatlong detectives mukhang hindi niya alam. "Anong meron sa Secret Room na 'yun?" Tanong niyang muli ngunit wala sa kanila ang sumagot. "Rollen may re--" hindi na natapos ni Cole ang sasabihin niya ng may bigla silang narinig na may nabasag, lahat sila ay nakatingin ngayon kay Ece. "Sorry." Sambit niya lihim na napangisi si Olivia, alam niya ang ginagawa ni Ece ayaw niyang malaman ang sekreto ng kaibigan namin. "Saan ba banyo niyo Rollen? Pwede bang samahan mo ako?" Nagtaka si Rollen sa inaasta no Ece, matagal na silang napupunta dito at imposibleng hindi niya alam kung nasaan ang banyo. Magpro-protesta pa sana si Rollen pero hinatak na siya ni Ece. "Alam ba ni Ece ang secret relationshit nila Rosie at Russelle?" Tanong ni Cole at tumango na lang silang lahat. "Taray ayaw niyang malaman ni Rollen na isang cheater ang boyshit niya." Binatukan na lang ni Rose si Cole dahil sa pinagsasabi niya. NAGSIUWIAN na silang lahat pero si Rollen ay dumeretsyo sa bahay nila Russelle gusto niyang malaman kung ano ang nasa secret room na 'yun. Pagkatapak pa lang niya sa loob ng bahay nila Russelle ay nagtambulan na ang puso niya sensyales 'yun na kinabahan niya at pagkinakabahan siya may nangyayaring masama. Bumungad sa kaniya si Roly—mama ni Russelle. "Hi po tita." Sambit niya sabay mano dito. "Anong ginagawa mo dito hija?" Hindi mo makikita ang pagkalungkot sa mukha ng mama niya, nakangiti lang ito na parang walanh nangyari sa anak niya. "Pupunta lang po ako sa kwarto ni Russelle may naiwan po kasi akong gamit do'n tsaka po aayusin ko po 'yung mga kalat niya do'n." Tumango si Roly kaya dumeretsyo siya sa kwarto ni Russelle. Pagkapasok niya naamoy niya agad ang pabango ni Russelle napangiti siya dahil simula noong makilala niya si Russelle ay hindi man lang ito nagpalit ng pabango. Naglibot siya sa loob ng kwarto, kinakatok niya ang mga pader nagbabakasakaling may maiba ang tunog sa iba sa kanila. Paulit-ulit niyang itong kinakayok hanggang sa naiba ang tunog sa isang parte ng kwarto. Sinukuan niya itong itulak at nagpasalamat siyang bumukas ito. Bumungad sa kaniya ang isang kwarto na kulay pula ang lighting's. May isang king size na kama at isang bathtub sa kulay pula ang tubig, hula niya ito ang dugo ni Russelle. Hindi niya maisip na may gantong kwarto pala si Russelle, natawag ang pansin niya ng isang aparador nilapitan niya ito at binuksan. Kinapos siya ng hininga dahil sa nakikita niya ngayon. Larawan ng kaniyang dalawang kaibigan na naghahalikan, nagtatawanan, magkayakap, at magkahawak ng kamay. Maluha-luha niyang kinuha ang isang larawan na iisang tao lang ang nandoon, si Rosie na may suot na isang singsing. Napatingin siya sa singsing na binigay ni Russelle sa kaniya. "Parehas kami ng singsing." Bulong niya 'Ni isang larawan niya ay hindi niya makita dito nakita niya ang cellphone ni Russelle dahil alam niya naman ang password nito madali na niya itong binuksan. Binuksan niya agad ang 'Messages' bumungad sa kaniya ang recent text na galing sa isang anonymous. Larawan ni Russelle at Rosie na naghahalikan dito mismo sa kwarto na 'to. At ang isapang larawan na naghahalikan ang dalawa sa isang park. Tinignan niya ang mga palitan na chat ng dalawa mas lalo siyang nasaktan. Lahat ng binigay ni Russelle sa kaniya ay nauna na palang binugay kay Rosie. Hindi kinaya ni Rollen ang sakit na dinulot nito sa kaniya kaya lumabas na siya sa kwarto at bumalik na lang sa bahay nilang luhaan. KINAGABIHAN nagpunta si Rollen sa isang bar malapit lang sa bahay nila. Hindi niya alam kung anong gagawin niya dahil sa mga nalaman niya. Ang sarili niyang boyfriend ay niloko siya at ang kabit niya kaibigan niya pa. Dahil sa sobrang kalasingan ni Rollen hindi niya alam kung paano siya napunta sa Rooftop ng isang building. Napaupo siya sa pinaka dulo ng Rooftop hindi niya pinapansin ang ingay na galing sa baba. "Broken hearted ka?" Tanong ng isang babae na alam na alam niya kung sino. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito ngunit hindi siya nito sinagot. "Nalaman mo na kung anong meron kila Russelle at Rosie?" Tumango si Rollen magpro-protesta sana siya sa bigla nitong pag-inom sa boteng dala-dala niya. "Masakit?" "Malamang niloko ako ng boyfriend ko sa napakadaming taon na pinagsamahan naming dalawa." Sambit ni Rollen. "Sa inyong dalawa ni Rosie ikaw ang mang-aagaw." Napatingin siya sa babaeng katabi niya ngayon. "Gago ka ba? Ako pa mang-aagaw eh akin nga si Russelle." Inis sa sabi niya, napa ngisi na lang ito na mas lalong kinainis ni Rollen. "Ikaw ang umagaw kay Russelle, sila naman kasi talaga ni Rosie pero simula no'ng dumating ka nawala atensyon ni Russelle kay Rosie. Mang-aagaw ka." Hindi makapaniwala si Rollen sa mga naririnig niya mula sa kaniya. "Alam mo bang nagkausap kami ni Russelle alam mo kung anong sinabi niya?" Pinakita ni Rollen na hindi siya interesado sa sasabihin ng babae pero hindi niya mapigilan na makinig. "Sabi niya mas gugustuhin niya pa daw na mamatay ka kaysa sa hadlangan mo ang pagmamahalan nilang dalawa ni Rosie. Sobrang matutuwa si Russelle kung tatalon ka na ngayon." Para siyang demonyo na bumubulong sa gilid. Hindi alam ni Rollen kung anong pumasok sa isip niya bigla na lang siyang tumayo at napatingin sa baba. Sapat naman na siguro ang 13th floor para mamatay diba? "Ano pang hinihintay mo? Nag-aantay na si Russelle sayo sa baba,sasaluhin ka daw niya." Napatingin siya sa baba hindi niya alam kung lasing ba siya o ano pero nakikita niya si Russelle mula sa baba. "B-baby." Bulong ni Rollen. "Talon na ayaw mo naman siguro na paghintayin si Russelle sa baba diba?" Patuloy pa ang pang-dedemonyo niya kay Rollen. "Nandiyan na ako." Napangiti ang babae sa pagtalon ni Rollen mula 13th Floor hanggang sa baba. Narinig niya na nagsigawan ang mga tao may tumatawag ng ambulansya napairap na lang ang babae. "Hindi na mabubuhay 'yan kahit na tumawag pa kayong ambulansya." Nagdesisyon siyang umalis na bago pa may makakita sa kaniya. Unknown POV Breakung news! Isang dalagita ang tumalon mula sa 13th Floor ng isang building. Sinubukan siyang isugod sa hospital pero tinalaga na siyang dead-on-arrival. Ang pangalan ng dalagita ay Rollen Mikyla Collen pang-apat ang dalagita sa namatay na nag-aaral sa isang sikat na unibersidad. Sa tingin ng mga police ay konektado ang lajat ng pagkamatay ng mga estudayante--- Pinatay ko na lang ang Television, ayokong makita ang nakakadiring pangyayari kay Rollen. "4 out of 8 and then boom tapos na ang lahat makakapag-pahinga na rin tayo." Nag-unat unat pa ang kasama ko ngayon. Wala ang tatlong kasama ko kagabi dahil may inasikaso silang tatlo. "Kumusta kaso kay Rosie?" Tanong ko sa kaniya. "Huwag mo nang alalahanin 'yun sila na bahala do'n." Sagot niya sa akin. "Kumusta si ate?" Wala na kasi akong naririnig sa kaniya at ilang linggo na siyang hindi umuuwi dito kaya nagtataka ako kung baka may ginagawa siyang kakaiba. "Wala pa naman siyang ginagawang kakaiba patuloy ang pagbabantay namin sa kaniya kaya kung may gawin man siya malalaman mo kaagad." Napatungo na lang ako sa sinabi niya. Hindi na ako makapag hintay na matapos ang lahat ng ito. Kung iisipin man nila na ako ang kontrabida sa storya na 'to nagkakamali sila. Ako pa nga ang tagapag ligtas nila. End of Chapter 017 NOTE: Update ulit ako mamaya :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD