016

1792 Words
Where is Rosie by SundayisBest Advance Happy Birthday, My love THIRD PERSON  POV Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos mamatay ng dalawa naming kaibigan, dalawang araw na ring tulala sa hangin si Olivia hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwalang wala na ang mahal niya. Kumalat na rin sa buong eskwela nila ang nangyari sa dalawang pumanaw, iba iba ang reaksyon nila may ibang nalungkot dahil sa pagkamatay pero ang iba ay natuwa pa dahil deserve naman daw nila ang nangyari sa kanila dahil sa mga krimen na nagawa nila dati. Kung tutuusin pa daw mas swerte si Rosie dahil sa nangyari sa kaniya dahil siya ay na-kidnap lang naman pero ang iba sa kaibigan niya ay namatay. Hanggang ngayon hindi parin nila alam kung anong ng nangyari kay Rosie. Napagdisisyunan nilang hindi na lang muna pumasok nag-take sila ng 2 weeks na break mula sa eskwela ayaw na nilang dagdagan ang stress na nararamdaman nila ngayon. Katulad ng sinabi ni Ece ay lubos nilang binibigyan ng pansin si Olivia ngayon, hindi nila alam kung anong tumatakbo ngayon sa utak ni Olivia. "Olivia, kain ka na muna." sambit ni Rollen na may dala-dalang isang tray na may mga pagkain pagkatapos niyang pumasok sa kwarto nito. "Salamat Rollen." napangiti si Rollen sa sinabi ni Olivia sa dalawang araw na lumipas ngayon lang ulit ito nakipag-usap sa kaniya. Niyakap niya ang kaibigan niya. Oh, but what is lost ain't gone No, you can't just let go 'Cause it's a part of you that will make you strong Embrace your flaws Kinantahan niya ang dalaga alam niyang hindi mababawasan ang nararamdaman ng kaibigan niya pero gusto niyang intindihin niya ang ibig sabihin ng kanta. I'm not gonna fight back what I've become Yeah, I've got bruises where I came from But I wouldn't change if I could restart I ain't gonna hide these beautiful scars I've been going way too hard on myself Guess that it's the reason that I'm feeling like hell But I wouldn't change if I could restart I ain't gonna hide these beautiful scars "Ayokong masaktan ka Olivia, sa kanilang lahat ikaw lang ang pinaka kaibigan ko kaya ayokong masaktan ka at kung nasasaktan ka huwag kang mahiyang mag-sabi sa akin nandito lang ako." Malungkot na lumiban si Rollen sa kwarto ni Olivia.  Napabugtong hininga na lang si Olivia at natulog. Hindi magbabago ang nararamdaman niya dahil lang sa sinabi ni Rollen, gagantihan niya ang taong gumawa no'n sa mahal niya. Lahat ng babangga sa kaniya mawawala ng parang byla. LAHAT silang magkakaibigan ay nasa garden nila Ece, bigla na naman naalala ni Ece ang mga nangyari dito. Dito ang huling lugar na naging kompleto silang lahat hindi nila maiwasan na maisip ang mga masasayang araw nila na magkakasama. "Alam kong hindi makakatulong ang sasabihin ko pero sana wa'g na kayong malungkot." Napatingin silang lahat kay Eudora na biglang nagsalita. "Anong ibig mong sabihin?" "I mean kung nakikita lang nila siguro kayo ngayon magagalit sila kasi mga busangot ang mga mukha niyo ngayon. Hindi sila matutuwa na dalawang araw na kayong parang bigo sa buhay dahil sa pagkamatay nila. Lagi ko ngang sinasabi na mag-move forward kayo isama niyo na lang sila sa buhay niyo." Saad ni Eudora na sinang-ayunan naman ni Sicario. "Ipagpatuloy niyo na lang ang mga hindi nila naipagpatuloy katulad ng kay Frankie na hindi nakipag-ayos sa parents niya gumawa na lang tayo ng way para makalimutan nila 'yung nangyari sa kanila." Nanatili lang silang tahimik "Paano kung tayo ang susunod sa kanila?" Hindi maiwasan ni Rollen na mag-overthink sa gano'ng bagay.  "Alam kong alam niyo na na iniisa isa na tayo hindi ko alam kung anong ginawa natin para gantuhin nila tayo." Dagdag pa ni Rollen. "Naging mabuti tayo kay Rosie at wala tayong kinalaman sa nangyari kay Rosie pero bakit nangyayari sa atin ito ngayon? Karma na ba natin 'to dahil sa pinaggagawa natin sa buhay natin?" Napabugtong hininga na lang si Rollen sa iniisip niya. "Sigurado ka bang wala tayong ginawang mali kay Rosie?" Hindi nila napansin ang pagdating ni Indiax. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Russelle pero hindi na lang siya sinagot ni Indiax tsaka ito naupo sa tabi ni Ece. "Wala naman tayong ginawang mali kay Rosie sa pagkakatanda ko." Naramdaman nila ang inis sa boses ni Rollen. "Oo na Rollen narinig na kita kaya pwede bang tumahimik ka na lang?" Galit na sambit ni Indiax. "Hindi eh parang may pinapadating ka sa sinabi mo, Sinasabi mo bang may ginawa akong mali kay Rosie?" Tumayo na si Rollen sa kinauupuan niya at lumapit kay Inidax. "Sino ba kasing paulit-ulit na pinagtri-tripan si Rosie? Hindi ako." Giit ni Indiax tinaas niya pa ang dalawang kamay niya na parang suko siya. "Alam mo namang trip lang 'yun diba? Tsaka sabi niya okay lang sa kaniya eh 'di okay." Ani Rollen na bahagyang tumaas na ang tono ng boses. "Below the belt na ang ginawa mo sa kaniya." sabat naman ni Ece. "Wow nakisali ka hanggang dito lang po ang usapan." Saad ni Rollen habang sinesenyas ang pagitan nila Ece at Indiax. "Tama na nga 'yan tumigil na kayong lahat, Sobrang mature niyong tatlo ha lalo ka na Rollen. Tinalo mo pa nanay mo sa sobrang mature." Pagpigil sa kanila ni Sicario, napa-irap na lang si Rollen at nag-walk out. "Pagsabihan mo 'yang jowa mo Russelle sobrang mature parang lola na." Sicario said with full of sarcasm, tumango na lang si Russelle at umalis na lang. "Grabe, lagi na lang kayong nag-aaway nila Rollen baka naman gusto niyong kumalma kahit saglit lang. Kamamatay lang ng mga kaibigan natin oh." Inis na sambit ni Sicario MARTES ng gabi, mag-isang pumasok si Russelle sa isang sekretong kwarto na tinatago niya sa kwarto niya kaya nga secret room eh. Sa loob ng kwarto na 'yun may isang Le Cob Glass Bathtub, it's little bit unusual because it features transparent sides and it has a  curved plate, perfectly bends your body to a relaxing position making your bath even more enjoyable. May isa ring king size na bed na kulay red, maayos ang mga gamit dito dahil ilang araw na itong hindi ginagamit. Ang lightings sa kwarto na ito ay pula, talagang pinili niya itong kulay dahil na rin sa ito ang gustong kulay ni Rosie, dito din ang lugar kung saan nakuhanan silang dalawa ni Rosie na naghahalikan habang naka kandong siya kay Russelle. Hinubad ni Russelle ang suot-suot niyang bathrobe at naupo sa bathtub niya, napa-pikit siya at agad na rumehistro ang mukha ni Rosie hindi niya namalayan na nagsimula ng tumulo ang luha niya. "Ganyan ba ang mukha ng isang cheater?" Napalingon siya sa pintuan ng kaniyang secret room may isang babae na hindi niya inaasahan na mapapadpad dito, tatayo na sana siya pero agad na umupo sa harapan niya ang babae. Ngayon, parehas silang naka-upo sa bathtub na magkaharap dahil sa curved ng bathtub ay medyo naka angat si Russelle. "Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong nito sa babae. "Tagal ko ring hindi nakapunta dito." Natigilan siya sa kaniyang narinig hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. "A-Anong sinasabi mo?" Dahan-dahan na gumalaw ang babae at naupo sa hita ni Russelle. Touchin' you slowly, love how you hold me I was a player, that was the old me I sent a prayer for something holy Got naked and show me Girl, summer's been lonely, yeah Natigilan si Russelle, isa lang ang babaeng kinatahan niya at si Rosie lang 'yun. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Dinikit niya ang noo niya sa babaeng nasa harapan niya ngayon. "Ikaw ba talaga 'yan?" Halos pabulong na sambit niya dahan-dahan naman itong tumango. "P-pero ba-bakit i-iba na muk--" hindi na natapos ni Russelle ang sinasabi niya ng bigla siyang sinungkab ng halik. Tumagal ng ilang minuto ang halik nilang 'yun, nawala sa isip ni Russelle ang nobya niya na si Rollen basta ang alam niya na nandito si Rosie. "History repeats it's self." Bulong ng babae sa kaniyang tenga. "Yeah." Sinandal ng babae ang kaniyang noo sa dibdib ni Russelle. "Pero bakit?" Hindi niya alam kung ano ang ibig niyang sabihin, tatanungin na niya sana ito pero naramdaman niya ang isang metal na tumusok sa kaniyang katawan. "Bakit hindi mo ko kayang piliin?" Nakita niya ang mukha ng babae may luhang umaagos ngayon sa mga pisngi niya. "Hindi mo ba akong kayang ipakilala sa buong mundo? Hindi mo ba kayang isigaw ang pangalan ko sa harapan ng madaming tao? Ganon ba ako kahirap angkinin?" Hindi na magawang magsalita ni Russelle, ang kaninang malinis na tubig ay nagiging kulay pula na. "Ayokong masaktan si Rollen, gusto kong ibigay sa kaniya 'yung kasiyahan na ipinagdamot sa kaniya ng magulang niya. Ayoko siyang nakikitang luhaan pero sa inyong dalawa mas mahal kita." Kinakapos na ng hininga si Russelle nararamdaman na niyang ito ang huli niyang mga minuto. "Kaya mas pinili mo akong saktan gano'n?" Tumango si Russelle bilang sagot kaya mas lalo niyang diniin ang kutsilyo. "I love you." sambit niya bago siya mawalan ng malay. "Advance Happy Birthday, my love." UNKNOWN POV Nandito kaming lahat sa bahay tulala kami sa kawalan, hindi namin inaasahan ang mga nangyari. Isang araw nagpla-plano lang kami tapos ngayon nasira lahat ng iyon. "Sayang, hindi ka man lang nakilala ni Frankie at Oswald." Sambit ng katabi niyang si roqwertyuuiop. "Nakita namin ang pagbabantay ng ate mo sa Bar bago mamatay si Frankie at ang pagsunod ng kotse niya kay Oswald." Dagdag pa nito na hindi lalong nakatulong sa kaniya. "Nasira na ang plano natin." Hindi ko maiwasan na madismaya sa sarili ko, imbis na iligtas ko sila, namatay pa sila. "Hindi nasira plano natin." Napatingin ako kay Inasdfghjklpo na kakadating lang mula sa hindi namin alam. "Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya, Sa pagpasok niya ay may kasunod niya si edklfdjoasnu na basang basa. "Anong nangyari sa kasama mo?"  "Tinuloy lang namin ang plano." Sagot niya at nilapag ang isang bag na bitbit niya pa kanina. "Anong ibig sabihin mong hindi nasira ang plano natin?" Pagtatanong ko ulit sa kaniya. "Natuloy ang plano natin." Napa-irap ako sa sagot niya, Ang galing sobrang naka tulong 'yun! "Pero naunahan niya tayong kumilos."  "Akala mo lang 'yun kung iniisip niyang mas matalino siya sa akin nagkakamali siya. Baka nakakalimutan niya kung sino ako, papunta pa lang siya pabalik na ako." Sobrang bilib talaga ako dito kay  Inasdfghjklpo. "Bago niya pa matupad lahat ng plano niiya naunahan ko na agad siya, She may think that she's a step ahead, but actually, we're two steps ahead and she's a step behind. That's my favorite line in 'Now you see me' and that what we're doing right now." Bilib din ako sa kakayahan ni Inasdfghjklpo, hindi ako nagkamali na piliin siyang tulungan ako. "Ibig sabihin tapos niyo na ang isa sa listahan natin?" Tumango naman siya kaya napangiti na lang ako. "3 out of 8 huh? Madali na lang 'yan! Go guys! Let's make stop this son of a bitch." Kinuha ni roqwertyuuiop ang isang baso na may lamang alak at nag-aya ng toss. "Para sa isang matagumpay na misyong pabagsakin at isa-isahing patayin ang ating mga kaibigan--opps." Natawa na lang kami sa sinabi niya at ininom na ang alak. "Loko ka talaga kahit kailan."  End of Chapter 016 Bukas ulit :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD