Where is Rosie by SundayisBest
Long live Mr. Loyal
THIRD PERSON POV
Lahat sila ay hindi parin makapaniwala sa sinapit ng kanilang matalik na kaibigan. Hindi nila inaasahan na 'yun na pala ang huling araw na makikita nila si Frankie.
Nasa bahay sila ngayon ni Detective Rose na hanggang ngayon ay hindi alam kung anong gagawin, hindi niya inaasahan na isa sa kaibigan ni Rosie ang humantong sa kamatayan.
Napansin ni Ece ang 'pag ngatngat ni Eudora sa kaniyang kuko, may naalala siyang isang taong laging gumagawa no'n. Ilang araw ng napapansin ni Ece ang mga kilos ni Eudora may pagkakahawig ito sa mga kilos ni Rosie ang 'pag ngatngat niya ng kaniyang kuko, ang pag-upo ng naka-dekwatro at maski ang 'pag babalat ng labi at paduduguin ito, lahat 'yun parehas na ginagawa nila Eudora at Rosie.
Hindi maiwasan na maisip ni Ece ang sinabi nito noong una silang magkita, na nasa paligid lang si Rosie at binabantayan sila at pakiramdam niya si Eudora ay si Rosie.
Pero hindi naman pwede 'yun dahil kung siya nga si Rosie malamang mararamdaman niya 'yun at sasabihin sa kaniya ni Rosie kung anong plano niya. Napailing na lang si Ece sa kabobohan na naisip niya.
"Kahapon lang kasama pa namin si Frankie tapos mababalitaan ko na lang na wala na siya." Natawag ang pansin ni Rose no'ng sambitin iyan ni Eudora agad niya itong nilapitan.
"Kasama niyo siya kahapon? Sino pa kasama mo?" tanong nito
"Oo, magkakasama kami nila Indiax dahil may gig siya do'n."
"Pwede mo bang sabihin kung anong nangyari kagabi?"
Kinuwento niya ang nangyari sa gabing iyon, lahat ng pangyayari sa naganap sa araw na 'yun.
"Kilala mo ba kung sino 'yung babaeng naka-usap niya pagkatapos niyang mag-perform?" Tanong ni Rose
"Mama niya 'yun Detective, mukhang nagtalo pa sila sa labas. Nakaalis na kaming lahat pagkatapos ng opening hours ng Bar kaya hindi na namin alam kung saan siya nagsusuot-suot." Malamig na sabi ni Indiax.
Nawalan lang naman ng kasama si Indiax sa araw-araw kahit na sandal lang sila nagkasama pakiramdam niya malaki ang nagampanan niya bilang kaibigan ni Frankie.
Napabugtong hininga si Rose bago muling magsalita. "Hahanapin ko ang may gawa neto sa kaibigan niyo, sisiguraduhin ko 'yan."
"Patong-patong na ang problema natin, Una ang pagkawala ni Rosie tapos kung sinong tarantado ang nagbigay sa atin ng pukinanginang Death Threat na 'yan kaya nanganganib ang buhay natin tapos ito 'pang pagkamatay ng kaibigan natin." Hindi alam ni Rollen kung anong mararamdaman niya sa mga oras na 'to
Biglang pumasok sa isipan ni Eudora ang binigay sa kaniya ni Frankie kagabi.
"Eudora!" Tawag ni Frankie bago sila umupo sa isang couch malapit sa stage.
"Bakit?" May kinuha si Frankie sa bulsa niya t agad itong nilagay sa palad ni Eudora.
"Ano 'to? Baka mamaya drugs 'to ha? Hindi ako drugrist boi." Sambit nito napailing na lang si Frankie.
"Paki bigay naman 'to kay Detective Rose hindi ko kasi mabibigay 'yan madami-dami na kasi akong ginagawa. Sabihin mo alamin ang ibig sabihin niyan. Ikaw lang mapagkakatiwalaan ko diyan." Saad nito 'tsaka iniwan siyang mag-isa. Tinignan niya ito at tinabi na lang sa bulsa ng kaniyang jacket.
Kinapa si Eudora ang bulsa at nagpasalamat na hindi niya naitapon ang sticky note, papaalis na sana si Detective Rose kaya agad niya itong hinabol.
"Detective Rose!" Agad itong tumigil at nilingon si Eudora.
"May binigay si Frankie sa akin bago siyang mamatay, Isang sticky note na may nakasulat na hindi naman maintindihan. Sabi niya sa akin ibigay ko daw ito sayo at alamin kung anong ibig sabihin nito." Inabot niya ang sticky note, tinignan ito si Rose nagpa-alam siya kay Eudora 'tsaka umalis.
NAGMAMADALING pumunta si Rose sa office ng kaniyang Chief pinatawag siya dahil siguro sa pagkakamatay ni Frankie. Bilang 'pag galang ay kumatok muna siya bago pumasok, nang marinig niya ang senyas na pwede na siyang pumasok ay pumasok na siya syempre.
"Bakit niyo po ako pinatawag Chief?" Bungad niya sa kaniyang Chief na busy sa tinitignan niyang files.
"Ipapahawak ko na sa iba ang kaso ni Rosie." Hindi agad nag-process sa utak ni Rose ang narinig niya.
"Pardon?"
"I will give you 3 reasons why." Bongga ang Chief niyo mala-13 reasons why lang ang peg.
"Una sa lahat wala pa kayong lead na nakukuha kung nasaan na siya, Pangalawa wala paring movement ang kaso niya at Pangatlo nauubusan na tayo ng oras pero wala parin kayong napapakita sa akin." Parang gustong manapak ni Rose dahil sa sinabi ni Chief sa kaniya.
Marahan niyang nilapitan ang Chief niya at padabog na hinampas ang desk nito nagulat ito at tinignan si Rose ng nanlalaki ang mga mata.
"Don't mess up with my file or else..."
"Or else what Detective Rose?" Nakipag sukatan ng titig si Chief kay Rose pero hindi siya natinag.
"Sino nga ulit kasama mo kagabi papuntang motel? Ah si Police Inspector m*******e. Anong oras nga ulit kayo naka uwi? Ah mga alas-tres na ng madaling araw. Anong dahilan mo sa asawa mo? Ah overtime." Nakita ni Rose ang pagtakas ng dugo ni Chief.
"Sino ba kasing nagsabi na ibibigay ko sa iba ang kaso ni Rosie? May narinig ka ba na gano'n? Ako kasi wala. Bumalik ka na sa pwesto mo Rose baka madami ka pang gagawin." Napangisi na lang si Rose at muling bumalik sa office niya.
Sumalubong sa kaniya si Nate na may dala-dalang USB at folder.
"Ano 'yan Nate? Panibagong tambak sa desk?" Biro nito at naupo sa Swivel Chair niya at in-on ang computer niya
"CCTV footage sa Bar na pinuntahan ni Frankie bago siya mamatay at statement ng owner." Nilapag ni Nate ang USB at Files sa table ni Rose tumango siya.
Biglang naalala ni Rose ang binigay ni Eudora na sticky note binuklat niya ito at may nakasulat ni hindi maintindihan na mga characters. Tinawag niya si Nate na papaalis na dapat.
"Nate paki hanap kung anong characters 'to. Sabihin mo agad sa akin 'pag nahanap mo na." tumango ito at tuluyan ng umalis.
KINAGABIHAN nagda-drive si Oswald sa kahabaan ng isang highway roadtrip lang ang peg ng papa mo, may nakita siyang babae na pamilyar sa kaniya kaya hinintuan niya ito. Tama nga siya hindi niya inaasahan na makikita niya ito dito.
"Hey! Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito
"Hindi ako sinipot ng date ko, Pwedeng makisakay?" Tumango si Oswald 'tsaka ito sumakay sa backseat ng sasakyan ni Oswald.
"Bakit ka naman diyan sumakay? Para naman akong driver mo niyan." sambit ni Oswald at natawa.
"Hindi ka naman mukhang driver tsaka may bad experience kasi ako sa front seat." sagot nito nanatili silang tahimik hanggang sa binasag ng kasama niya ang katahimikan.
"Buti kahit kaibigan mo si Russelle hindi ka nahawa sa kaniya sa pagiging cheater?" tanong nito na naging dahilan ng pagtawa ni Oswald.
"Ang pagiging cheater ni Russelle ay isang virus na halos lahat meron na pero dahil lagi akong naka-quarantine naiwasan ko ang Cheater Virus." Biro nito.
"Pero seryoso, ayokong mag-cheat kay Olivia kahit na sobrang daming magagandang babae diyan may nakita ako kay Olivia na kahit sa iba hindi ko makita. Seryoso ako sa kaniya at hanggang mamatay ako siya lang ang mamahalin ko." Kung siguro nandito si Olivia naihi na 'yun sa sobrang kilig.
"And magkaiba kami ni Russelle, ako kaya kong magmahal ng isang babae samantalang siya dalawa. Cheater na kung cheater pero nagmahal lang naman si Russelle hindi nga lang niya alam kung sino sa kanilang dalawa ang mas higit."
"Kapag nagloko ka sa isang tao at balak mo siyang balikan, Wa'g mo ng balakin binigyan ka na ng chance pero sinira mo lang. Matuto tayo na hindi lahat ng relasyon ay binibigyan ng second chance. Kaya ikaw 'pag may nanakit sayo sabihin mo agad sa akin at bubugbugin namin ni Sicario."
"Sobrang sweet mo naman Oswald, Sige dito na lang ako."
"Sure ka? Puro puno lang ang nakikita ko dito." Hindi siya sumagot at bumaba siya sa isang lugar na puro puno lang ang makikita mo. Nagpatuloy si Oswald sa pag-drive hanggang sa may nakita siyang isang figure ng tao na nakatayo hindi kalayuan sa kaniyang kotse.
Nakasuot ito ng long black dress at naka hoodie kaya hindi niya makita kung sino ito, pauulit-ulit niya siyang nagbusuna pero hindi parin naalis ang tao. May inangat siyang isang malaking cartolina na may nakasulat na...
Long live Mr. Loyal
KINABUKASAN nagising si Olivia dahil sa ingay na naririnig niya sa baba ng kanilang bahay kahit na ayaw niya pang bumangod ay napilitan siya para sigawan ang mga tao sa baba.
Iba iba ang naririnig niya may mga sigaw,iyak,dalamhati at iba iba pa. 'Pag baba niya nandoon lahat ng pamilya niya at pamilya ni Oswald sa sala. Hindi niya alam kung anong nangyayari dahil lahat sila namumula ang mga mata.
Lumapit sa kaniya ang bunsong kapatid ni Oswald na si Oesla na namumula din ang mata.
"Ate." Tawag nito gamit ang maliit nitong boses, tinuro nito ang TV na may pinapalabas na balita.
Agad niya itong nilapitan at halos magunaw ang mundo niya dahil sa napapanood ngayon.
Breaking News! Isang binatilyo ang nakitang duguan sa loob ng kaniyang kotse. Namataan ang katawan ng biktima kaninang umaga dahil sa isang concern netizen na napadaan sa lugar na 'yun. Ayon sa mga pulis, binaril ng limang beses sa ulo at sampung beses sa ibang parte ng katawan nito na naging sanhi ng pagkamatay. Ayon din sa otoridad ang pangalan ng biktima ay Oswald Pace Garcia na nag-aaral din sa isang sikat na University kung saan nag-aaral ang isa pang biktima na si Frankie. Sa ngayon inaalam pa nila kung sino ang salarin sa krimen na ito.
Parang unti-unting gumuho ang mundo ni Olivia dahil sa nalaman niya. Ang lalaking nagbigay kulay sa madilim niyang mundo ay kinuha sa kaniya ng kung sinong tarantado.
Unti-unti siyang naglakad papunta sa bahay nila Ece alam niya na alam na nila ang sinapit ng kaniyang kasintahan. Habang naglalakad ay para siyang isang papel na naglalakad konting hangin ay tatangayin na siya ng hangin.
Sumalubong sa kaniya si Ece at sinalo nila ang walang ka-ekspresyon na si olivia, pinaupo nila ito sa sofa at nanahimik sila. Ayaw na nilang makadagdag sa nararamdaman ni Olivia ngayon.
"W-Wala na s-siya w-wala na y-yung m-mahal ko." Parang gripo ang mata ni Olivia dahil sunod sunod ang pagtulo ng luha niya.
"Papatayin ko kung sino gumawa no'n sa kaniya sinusumpa ko 'yun, ibabaon ko siya sa hukay kasama ko!" Ramdam na ramdam ang hinanakit ni Olivia dahil sa nangyari.
"Pinapangako ko, gagawin ko sa kaniya ang ginawa niya kay Oswald. Hindi ako mamamatay tao pero sisiguraduhin ko sa kaniya na ang huling bala ng baril niya sa ulo niya babaon." Pinakalma nila si Olivia na nagpla-plano na kung paano niya papatayin ang gumawa no'n hanggang sa nakatulog na lang ito.
"Bantayan niyo ng mabuti si Olivia lalo na't wala na si Oswald na magbabantay sa kaniya tayo na lang ang inasahan ni Oswald sa kaniya kaya 'wag natin siyang buguin." Sambit ni Ece at lumabas muna ng bahay nila.
Napabugtong hininga na lang siya dahil sa realization na na-realize niya.
Isa isa na silang nababawasan.
Iisa-isahin na sila.
End of Chapter 015
NOTE: Bukas ulit :)