Where is Rosie by SundayisBest
Legendary Frankie Abigail
FRANKIE POV
Kakatapos lang ng klase namin at ngayon naglalakad kami papunta sa Secret Room namin.
Napansin ko na may kakaiba kay Ece hindi lang ngayon kundi nung matapos ang nangyari sa amin sa bahay nila Russelle.
Para siyang napipi dahil hindi na namin siya nakakausap simula no'n.
"May napapansin ka ba kay Ece?" Tanong ko kay Olivia, napatingin sa amin si Rollen.
"Pa-weirdo nang pa weirdo 'yang si Ece sa bawat araw. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya." Sagot sa akin ni Olivia
"Himala nga't hindi na niya napapansin mga galaw ko 'e." Natatawang sambit ni Rollen.
Pumasok na kami sa loob, agad akong nagpunta sa CR dahil puputok na ang pantog ko. Pagkatapos kong mailabas ang lahat ng pwedeng ilabas inayos ko na ang sarili ko nagpunas ng pawis ko, napansin ko ang isang sticky note sa basurahan.
May nakasulat dito na hindi ko alam kung ano, nilagay ko na lang ito sa bulsa ng jacket ko at lumabas ng banyo.
Lumapit ako kay Indiax na busy sa ginagawa niya, lagi naman may ginagawa itong kupal na 'to.
"May gig ka ba bukas?" Tanong nito ng hindi tumitingin sa akin.
"Meron, Sabado bukas eh. Punta ka ha." Sambit ko
"Yayain mo na rin ang iba." Tumango ako at humarap sa mga motherfuckers.
"May gig ako bukas, baka naman gusto niyong sumama diba?" Ganyan ako mag-aya sa kanila hindi ko rin naman aasahan ang mga presensya nila dahil kahit kailan hindi sila pumupunta sa mga gig ko.
"Oh! Singer ka pala Frankie?" Tanong ni Eudora habang hawak-hawak ang cellphone niya, mukhang naglalaro na naman sila ng Mobile Legenda nila Sicario. Tumango na lang ako.
Napansin ko na parang close na close na silang dalawa ni Sicario, lagi na silang magkasama hindi na mapaghiwalay dalawa.
Pakiramdam ko may something sa kanilang dalawa dahil hindi na nilalapitan ni Sicario si Indiax.
Mukhang naniniwala sila na pinopormahan ko si Indiax, eh mukha ngang walang interest sa akin si Indiax.
'Tsaka alam naman nila na may gusto akong iba at wala sa kanilang lahat 'yun. Hindi ko gusto ang magkaroon ng kaIBIGAN sa Kaibigan ko
"Sige, pupunta ako sa gig mo bukas Frankie. Hoy gago ka talaga Sic!" Hindi ko na sila pinansin dalawa at natulog na lang.
KINABUKASAN ay naghanda ako para sa gig ko, maaga akong nagpunta sa Bar dahil na rin sa utos ng aking mahabaging boss na si Blythe.
"Maghanda ka para sa gig mo mamaya, madami-dami din ang mga dayo mamaya dahil anniversary namin ngayon." Sambit niya napatungo ako at biglang pumasok si Kronus sa kwarto na ito. Binati niya ako kaya tinanguan ko lang siya.
"Galingan mo mamaya Abigail baka bigla kang pugutan ng ulo ni Blythe 'pag hindi mo inayos." Inirapan ko lang si Kronus sa pagtawag sa akin sa secind name ko.
"Para naman akong babaeng-babae sa Abigail mo na 'yan." Kunwari nandidiri kong sabi.
"Mas pinansin mo pa yung Abigail kaysa sa pugutan ka ng ulo ni Blythe ha."
"Alam ko naman na hindi niya gagawin 'yun." Nauwi sa tawanan ang paguusap naming tatlo.
Pagkalabas ko sumalubong sa akin si Tamara, kaibigan ni Blythe at kasama niya sa pag-handle ng Bar.
"Grabe tawa niyo kanina boi ha baka last mo na 'yan." Pambabanta sa akin ni Tamara, hindi ko alam kung nananakot ba siya sa sinasabi niya o nakikipagbiruan lang siya.
"Tangina..." Sambit niya at kinatok ang Bar Counter na gawa sa kahoy. Tinignan ko siya na merong pagtataka, anong ginagawa nito?
"Gano'n kasi 'yun baka mamaya magkatotoo sinabi kong mamatay ka baka huntingin ako bigla ng kaluluwa mo 'no." Sambit niya tinanguan ko na lang siya at pumasok sa isang kwarto dito para magpahinga.
Time check: 7:00
Madami dami na ang mga tao sa loob ng Bar at ang iba sa kanila ay mga kabataan.
Simple lang naman ang suot ko, isang oversize na black t-shirt na umabot hanggang siko ko ang manggas, Ripped jeans na kulay black at Isang pares ng kulay itim na Vans na high cut. Nakalugay din ako na first time kong gawin sa buong buhay ko.
Syempre ganyan suotan ko, alangan naman na mag dress at high hells ako para naman akong rarampa niyan sa isang fashion show, hindi po ako isang dalagang pilipina ano.
Habang hindi pa ako magpe-perform nag ikot-ikot muna ako sa loob ng bar, madami talagang mga kabataan ang nandito at 'yung iba ay mga matatandang tigang na wala ng magawa sa buhay.
"Frankie!" Napalingon ako sa entrance dahil sa pagtawag sa akin ni Eudora kasama niya si Indiax, mukhang silang dalawa lang ang pumunta.
Para kaming nagplano ng susuotin dahil pare-parehas kaming naka black na damit,Ripped jeans na black at High cut na Vans.
"Hindi ko alam na gaya-gaya ka na rin pala ngayon Frankie akala ko singer ka lang 'e." Pambungad sa akin ni Indiax
"Malay ko bang ganyan din suot niyong dalawa edi sana nag-dress na lang ako." Sagot ko
"Baka mamaya pumutok tayo dito ah lahat tayo naka-black." Nagtawanan kaming tatlo, pinaupo sila malapit sa stage at nag-inuman muna kami.
Nag-antay kami hanggang sa ako na ang magpe-perform, umakyat na ako ng stage at kinuha ang gitara na magmamay-ari ni Kronus.
"Magandang gabi sa inyo, so 'yung kakantahin ko ngayon ay para sa mga pinagtagpo pero hindi tinadhana 'yung tipong hindi kayo pwedeng magsama dalawa."
Sinimulan ko na ang pag-strum sa gitara, i choose 'Rewrite the start' Acoustic Version performed by Zendaya.
You know I want you
It's not a secret I try to hide
I know you want me
So don't keep saying our hands are tied
You claim it's not in the cards
Fate is pulling you miles away
And out of reach from me
But you're here in my heart
So who can stop me if I decide
That you're my destiny?
Lahat sila nanahimik, walang iba ang nagsasalita ganto naman sila lagi 'pag ako ang nagpe-perform.
What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine
Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find
It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours
Tonight
At dahil tapos na ang unang kanta ko ay nag-stop na ako sa pag gigitara ko at binigay sa isa sa staff dito.
"And for the last song is going to be 'Dangerous Woman' performed by Ariana Grande."
Oh yeah
Don't need permission
Made my decision to test my limits
'Cause it's my business
God as my witness
Start what I finished
Don't need no hold up
Taking control of this kind of moment
I'm locked and loaded
Completely focused my mind is open
I really love this song! It reminding me of someone from my past that I don't really want to think every time I hear this song. Pumikit ako para mas ramdam ko ang kinakanta ko.
Somethin' 'bout you makes me feel like a dangerous woman
Somethin' 'bout, somethin' 'bout, somethin' 'bout you
Makes me wanna do things that I shouldn't
Somethin' 'bout, somethin' 'bout, somethin' 'bout
Pagkadilat ko sumalubong sa akin ang isang pares ng mata na hindi ko inaasahan na makikita ko ulit sa tanang buhay ko. Napatigil ako sa paghinga hindi ko alam kung anong gagawin ko katabi niya pa sa upuan sila Indiax at Eudora na vini-video-han ako.
Nakatingin ulit siya sa akin na parang tanggap na niya ako kahit alam kong hindi naman.
Mabuti na lang at dumating si Blythe, pinababa niya ako sa stage pero imbis na dumeretsyo ako sa pwesto nila Indiax ay lumabas ako ng Bar. Napabuga ako ng hininga hindi ko alam kung anong gagawin ko, ngayon ko lang siya nakita ulit pagkatapos niya akong ipagtabuyan.
"Abi." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagtawag niya sa akin. Lumingon ako at nakita ko siya ngumiti ako na parang walang nangyaring p*******t sa akin.
"Hey, Morgan anong ginagawa mo dito?"
"Morgan? Hindi ba dapat mama ang tawag mo sa akin?" Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kaniya
"Mama? Kailan pa kita kailangan tawaging mama kung ako na mismo mong anak eh pinagtabuyan mo." Giit ko sa kaniya
"Ilang taon ang lumipas simula no'ng ginawang kong krimen pero pinagsisihan ko 'yun buong buhay ko kinakain ako ng konsensya ko tapos ikaw na mismong nanay ko hindi ko magawang sandalan?" Sobrang tagal ko ng tinatago 'yan sa kaloob-looban ko.
"Aaminin ko, tarantado ako pero simula no'ng ipagtabuyan ako ng sarili kong pamilya nagbago na ako, hindi ko alam kung bakit niyo kailangan gawin 'yun sa akin akala ng lahat umayaw na ako sa career ko bilang isang singer pero kayo lang ang may gawa no'n." Hindi ko na siya inantay na magsalita, pumasok na agad ako sa loob at nagmukmok sa loob ng kwarto nila Blythe.
NAGSI UWIAN na silang lahat pero ako ito parin ako sa Bar Counter, hinayaan na lang ako nila Blythe na manatili dito.
Naramdaman kong may taong nakamasid sa akin sigurado akong babae ito at kasama siya sa mga nanood sa performance ko kanina.
"Henry, iwan mo muna ako dito mag-isa dito. Bet ko mag-drama ngayon e." Sambit ko sa bartender na kasama ko ngayon, agad naman siyang umalis at iniwan ako kasama itong nakamasid sa akin.
"Lumabas ka na diyan, wala na akong kasama dito oh." Sambit ko naramdaman kong lumapit siya at naupo sa tabi ko, naglagay ako ng alak sa isang baso at binigay sa kaniya.
"Pagod ka na ano?" Sa boses pa lang niya alam na alam ko na kung sino siya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Wala, pinapanood ka lang. Napaka ganda ng boses mo pero sad to say hindi nila alam kung anong gusto mong sabihin." Ani niya hindi ko alam kung anong trip niya sa akin.
Hinarap ko siya may naramdaman akong kakaiba sa kaniya, hindi siya 'yung kakilala ko sa ilang taong magkasama kami.
Parang iba na siya
Parang hindi siya
"Anong kailangan mo?"
"Wala nga sabi, sinasamahan lang kita dito. Nakita ko kasi na nagka-usap kayo ng mama mo kaya sinamahan lang kita pero sige dahil ayaw mong nandito ako aalis na ako." Bigla na lang siyang umalis sa tabi ko hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa maka alis siya sa paningin ko.
May naiwan siyang isang note sa lamesa, kinuha ko ito at binasa. Nagtaasan ang balahibo ko sa hindi malamang dahilan.
08/10/2056
The last performance of legendary Frankie Abigail (⌒_⌒;)
DETECTIVE ROSE POV
Kakagising ko lang mula sa mahaba-habang tulog agad na bumungad sa akin ang pagmumukha nila Connor at Cole na nagluluto ngayon sa kusina.
Hindi ko ba nasabi sa inyo na dahil makapal ang mga pagmumukha nila ay dito na rin sila natira dalawa, lagi na lang daw kasi sila nandito kaya dito na sila titira.
"Grabe mas makapal pa sa encyclopedia ang pagmumukha niyong dalawa baka mamaya niyan magulat ako na pati kama ko agawin niyo ha." Natutulog lang kasi sila sa salas medyo nahiya pa silang dalawa ano.
Binaliwala ko na lang ang ginagawa nilang dalawa at naupo na lang sa sofa, binuksan ko ang TV at sakto pang may breaking news.
"Breaking news, isang dalagita ang natagpuan sa isang bakanteng lote na palutang-lutang. Ayon sa source, ang pangalan ng dalagita ay Frankie Abigail Sebastian a 19 year old girl na nag-aaral sa isang sikat na university. Huling nakita ang biktima sa isang Bar na malapit sa pinangyarihan----
Nabitawan ko ang hawak-hawak kong baso dahil sa nalaman kong balita.
Bakit si Frankie pa?!
End of Chapter 014
(◍•ᴗ•◍)❤