“Cles, tatanggapin mo ba ‘yung offer ni Sir Beki?” Natawa ako sa pagbanggit ni Makie sa pangalan ng aming amo. Paano Sir Vicky ang gusto ng amo naming itawag sa kanya samantalang Victorino ang tunay nitong pangalan. Hmm. Alam na. “Shh! Marinig ka! Mamaya mapag-initan ka na naman!” pabulong na pananaway ko sa kanya. “Aysus! Tunay namang beki siya.” Sumimangot pa ito kaya lalo akong natawa. Makie or Ma. Maryknoll Merin is my new bestfriend. Nauna lang ito ng ilang araw na makapasok as sales lady dito sa V Boutique bago ako. Naging close kami agad kaya nang malaman kong nagrerenta ito ng kuwarto sa amo namin, inimbitahan ko siya bilang room mate sa apartment ni Emman. Twenty two years old na ito at ulila kaya madali ko siyang napapayag na sa akin na tumira. Mabait ito at palabiro kaya mada

