I looked at my brother. Katulad ko ay hindi rin maipinta ang mukha niya. Anger, humiliation, frustration and the need to kill the f*****g b***h who is devilishly grinning in front of us made my blood reach its boiling point. “Just do it.” there’s this imminent angst in my voice. Kulang na lang ay idura ko iyon sa kanya. “Masyado ka naman excited, Winter Vladimier. Sandali lang ha, kuha lang ako ng remembrance.” Inilabas niya ang kanyang cp at pinagkukuhanan kami ng larawan ng kakambal ko. Ayos lang sana kung maayos ang itsura namin. Pero malayong-malayo ang katayuan namin ngayon sa salitang maayos. Parehong nakataas ang mga kamay namin. Nakatali nang mahigpit sa pole na nasa aming likuran. Maging ang aming mga paa ay nakakadena. Worse, pinagpupunit ni Vinxie ang mga damit namin kaya boxe

