SINENYASAN ni Miyaka ang dalawa nitong kapatid na hawakan si Joshua. Mabilis naman na kumilos ang dalawa. Pinaghiwalay sila ng mga ito at inilayo si Joshua. Nanlalaban ito ngunit walang magawa ang lakas nito kina Nestor at Anna. Isinandal ng mga ito si Joshua sa dingding at tinalian ang dalawang paa gamit ang matibay na lubid. Siya naman ay nilapitan ng nanay ni Miyaka at tinutukan ng palakol sa leeg. Buong akala niya ay hindi na mauulit ang pangyayaring ito. Akala niya ay huli na iyong sa isla ngunit tila sinusundan talaga siya ng bangungot na ito hangga’t hindi siya namamatay. Nakikita niya ang tapang sa mukha ng kanyang asawa sa kabila ng kanilang sitwasyon. Siya naman ay walang magawa kundi ang umiyak na lamang. Lumapit nang husto si Miyaka sa kanya at itinapat ang mukha nito sa muk
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


