DUMATING na nga ang araw na pinaka hihintay ni Tanya-- ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni Joshua. Matapos ang ilang taon at ilang pagsubok sa kanilang relasyon, heto na silang dalawa sa harap ng pari at ikinakasal na sila. Saksi ang buong pamilya at ilang malalapit na kaibigan, masayang-masaya si Tanya sa araw na ito. Alam niyang gayundin si Joshua. Naluha pa nga ito kanina nang naglalakad siya sa aisle palapit dito. Ngunit bago sumapit ang araw na ito ay walang pagsidlan ang kaba at takot niya. Dahil iyon kay Miyaka at sa banta nito. Natatakot siya hindi lamang para sa kanyang sarili kundi mas higit para sa pamilya niya at kay Joshua. Laking pasasalamat na lamang niya dahil ligtas silang lahat hanggang ngayon. May mga pulis din naman kasing nagbabantay sa kanila lalo na kapag gabi sa

