DAHIL sa hindi makagalaw si Tanya dahil sa takot ay hinila siya ni Joshua palayo kina Miyaka. Nakita nila na tumayo si Ruben at galit na tumingin sa kanilang tatlo. Bigla itong tumakbo palapit sa kanila. “Takbo!!!” sigaw ni Joshua. Nabuwal siya nang paghakbang niya ng kanyang paa ay sumakit iyon dahil sa pinsala na natamo niya nang madaganan iyon ng semento. Agad naman siyang tinulungan nina Joshua at Thea sa pagtayo. Halos hilahin na siya ng dalawa patakbo dahil malapit na malapit na sa kanila si Ruben. Nakadukwang agad ang kamay nito na parang gustung-gusto na silang abutin! Malayo sila sa kinaroroonan ng mga tao kaya kahit anong sigaw nila ay walang nakakapansin sa kanila. “Ahhh!!!” malakas na tili ni Thea nang mahablot ni Ruben ang buhok nito. Napabitaw sa kanya si Thea at tuluyan

