Chapter Twenty

1322 Words

PAKIRAMDAM ni Tanya ay binabangungot siya ng gising habang kaharap ang buong pamilya ni Miyaka. Nakakatakot pa rin ang hitsura ng mga ito. Mga nakangiti ngunit alam niyang sa likod ng mga ngiting iyon ay nagtatago ang isang halimaw! Hindi alam ni Tanya kung ano ang sasabihin niya dahil umurong na ang dila niya sa takot. O may dapat pa ba siyang sabihin? Ang gusto lang naman niya ay makitang muli ang mga ito. “I think, we should go na. These people are creeping me out!” Maarteng turan ni Thea. “Tama si Thea, Tanya. Nanginginig ka. Tara na…” ani Joshua. Wala siyang naging sagot kundi isang mahinang tango. Habang papalabas sila sa silid na iyon ay narinig pa niya ang mataginting at nakakakilabot na pagtawa ni Miyaka. “Hindi pa kami tapos sa iyo, Tanya! Matutulad ka rin sa mga kaibigan mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD