- Kristen Thomas - NAGISING ako ng maramdaman ko ang paghilab ng sikmura ko. Mabilis akong bumangon sa kama ko at halos takbuhin ko ang papuntang banyo. Sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagbagsak ng pinto ng banyo, dahilan para magulat at magising si Amarah na katabi kong matulog sa kama ko kagabi. Habang nagsusuka ako ay pumalahaw naman ito ng iyak. Tinatawag ang Mommy Bella nito. Siguro ay nanibago ito sa paligid na nagisnan lalo at hindi makita si Bella paggising niya. Dahil sa patuloy ako sa pagsusuka sa lababo ng banyo ko ay hindi ko siya maasikaso. Inaatake na naman ako ng morning sickness. Nitong nakaraang mga araw ay nahihirapan ako sa pagbubuntis ko. Halos kada umaga ay ang pagsusuka ang gumigising sa akin. Wala rin akong ganang kumain maliban lang s

