- Kristen Thomas - FIFTEEN minutes past ten in the morning. Kay ganda ng gising ko. Himala at hindi ako dinalaw ng morning sickness ko at nakatulog ako ng mahaba. Nilingon ko ang kabilang side ng kama. Wala na doon si Kevin Carlos na katabi kong natulog. Siguro ay pumasok na sa opisina at hindi na ako inabalang gisingin pa. Ngunit nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto at iluwa ang nakangiti at napakagwapo kong boyfriend. "Breakfast in bed," anito habang inilalapag sa kama ang dala niyang tray na may laman na mga pagkain. "Healthy breakfast for my two babies," dagdag pa nito. "Morning!" nakangiti kong bati dito at tinanggap ang mabilis na halik sa labi. "How was your sleep?" he asked. "Good. Himala nga eh... Ang bait ni baby ngayon. Wala akong morning sickness," nakangiti kong sa

