NAKAKUNOT ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga nagkalat na damit sa kama. "What happened here?" I asked Kristen as I followed her in her walk in the closet. "Wala akong mahanap na isusuot sa party ng kapatid mo," she answered, not even looking at me. She's busy checking her hungered dresses one by one. "Paanong wala e ang dami niyan." Turo ko sa napakarami niyang damit. "Ang papangit. Walang bagay sa akin tapos masisikip pang lahat." "Anong hindi bagay sayo e lahat naman ng isuot mo bagay sayo." "Hindi nga. Para akong butiti. Nakikita ang laki ng tiyan--- Ah basta wala akong mapili." "Eh ano naman ngayon kung makita ang lumalaki mong tiyan?" Nagkunwari siyang hindi narinig ang tanong ko. Patuloy parin siya sa pamimili ng damit. "Hanggang kailan mo balak itago sa akin ang magig

