KAHIT sinabi ni Kristen na mas gusto niya maglunch mag-isa pinuntahan ko parin siya sa coffee shop niya may dala akong lunch namin. Pagpasok ko sa coffee shop ay naglingunan agad sa akin ang mga babaeng customers. "Nandito nanaman si Kevin Carlos my love," narinig kong turan noong isang babae sa isang mesa malapit sa pinto. "Gosh. Ang gwapo talaga niya, noh? Kailan ko kaya siya matitikman," turan naman noong katabi niya. "Sayang. Balita ko syota niya daw ang may ari nitong coffee shop. Wala na tayong pag-asa," sabi naman ng isang babae na nakaupo malapit sa dinaanan ko. "Kaya nga. Nakakainggit naman dinalhan pa talaga ng lunch. Sana all, may kasing gwapo at sweet niyang boyfriend noh," ani naman noong kausap nito. "Kahit one night stand lang sapat na sa akin. Balita ko ay kung gaano s

