MASAYA ang party. Kung mayroon man mga taong nagpapakita ng hindi pagsang-ayon sa tuwing ipapakilala ako ni Kevin Carlos bilang fiancee nito. Marami din namang natuwa at nagpakita ng pagwelcome sa akin lalo na ang mga taong totoong concern kay Kevin Carlos. Iyon naman talaga ang mahalaga. Sabi nga ng isang kasabihan 'Those who matter don’t mind, and those who do mind don’t matter'. Hangga't maaari ay hindi hinahayaan ni Kevin Carlos na mahiwalay ako dito. Kung mayroon man pagkakataon na napapalayo ako sa kanya dahil sa mga taong kumakausap dito hindi naman nito hinahayaan mawala ako sa paningin nito. "Kuya, can I borrow ate Tin? Ipapakilala ko lang siya sa mga friends ko," nakangiting paalam ni Reign at hinawakan ako nito sa braso. "Sure, if she like," sagot ni Kevin Carlos dito. "I wi

