INALALAYAN ako ni Kevin Carlos pababa ng grand staircase ng mansion. Sa unahan namin ay ang mag-asawang Diana at Rick. Napakarami ng tao na pulos galing sa mataas na antas sa lipunan. Ang iba sa kanila ay pamilyar sa akin at nakakasalamuha ko na rin sa mga bibihirang pagkakataon na um-aattend ako. Ang mga lalaking bisita ay nagkikisigan sa magarang 3 piece suit. Habang ang mga kababaihan ay kanya-kanya ng paraan ng pagpapakita ng kasexyhan at kagandahan sa magagarang evening dresses na suot. Nagkikislapan din ang kinang ng mga mamahaling alahas na palamuti sa katawan. "Attention everyone. The party is about to start," kuha ng attention ng babaeng host sa mga bisita. Naglapitan ang mga bisita sa may punong hagdan habang sinasalubong kaming apat ng masigabong palakpakan. Nakahawak sa bra

