PAGKATAPOS naming mamasyal kanina ni Kevin Carlos ay nakatulog ako. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko dahil sa amoy ng gamit na pabango noong lumapit sa amin na middle age na lalaki. Manager daw iyon ng isa sa branch ng Il Capo dito sa Laguna. Hindi naman sa nag-iinarte ako. Talaga lang na matalas at masilan ang pang-amoy ko ngayong buntis ako. Nang magising ako ay wala si Kevin Carlos sa kwarto. May iniwan lang itong maliit na note sa side table ng kama na nagsasabing may importante lang itong inasikaso at babalik din agad. Tiningnan ko ang oras sa relong nasa ding-ding. Five thirty in the afternoon. Seven in the evening ang umpisa ng birthday party ni Reign. Mayroon nalang ako isa't kalahating oras para maligo at ayusin ang sarili ko. Nagmamadali akong bumangon at pumunta ng banyo

