Chapter 34 Malamig ang simoy ng hangin. December na nga talaga. Marami na ring nangangaroling at may mga dekorasiyon na rin sa bahay na binili ni Mama sa tiangge. Masaya ang paligid, kaya pinipilit ko na lang din ang sarili na makiisa, kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko. Nang dumating ang birthday ko, simple lang ang naging handaan. Dahil may bagyo, hindi nakapunta ang iilan kong mga pinsan at kamag-anak. Nandito rin sina Oyo, Reggie, Tiboy pati si Phil. Napanganga ako nang may binigay siyang paper bag sa akin na may logo ng kinagatang mansanas. Naki-usisa rin sina Oyo. "Ano 'to?" tanong ko. "Birthday gift." "Maraming salamat, pare. Mabuti ka pa at may gift ka. 'Yang iba kasi diyan, nakikikain na nga, nanghihingi pa ng bring home." "Hoy, si Oyo lang kaya ang ganyan," depensa ni T

