Chapter 33

1219 Words

Chapter 33 "O, bakit ang emotional mo naman?" sabi niya. May maliit siyang ngiti habang nakalingon na sa akin. Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang kanan niyang kamay. Nakita ko na may mga sugat ito. Naaawa ako sa tuwing tumitingin sa maputla niyang mukha. Bakit ba nagpapanggap na naman siya? Ba't pinapakita niya na naman na parang walang nangyari? Nagkuntot-noo siya. "Napipi ka na ba? Huy, magsalita ka nga." "Nandito na ako." "Alam ko. Nakikita kita. 'Tsaka, ba't ka nakahawak sa kamay ko? 'Tsansing ka, ha." Mahina akong natawa. Hinaplos ko ang kamay niya gamit ang mga daliri ko. Magaspang ito kasi namumula. "Anong nangyari dito?" tanong ko habang nakatingin sa kamay niya. "Ba't kita sasagutin?" Napangiti ako. Inasahan ko na 'yun. Sa bagay, hindi naman niya talaga ako sina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD