Chapter 19 "Ang bilis mo naman akong mamiss." Kaharap ko ngayon ang nakangiting Joy. Gabing-gabi na pero sinadya ko talagang makipagkita para ibalik ang folder...para na rin makahingi ng sagot sa kanya. Mabuti na lang at maliwanag ang buwan. Nasa playground ulit kami. Hindi pa siya nakabihis at parang antok na antok na, ngunit pinipilit niya pa ring harapin ako. Bumagsak ang mga mata niya sa hawak kong folder pero hindi man lang siya nagulat. "Ibabalik ko lang sana 'to," sabay lahad ko sa dala. "Naiwan mo kasi." Tiningnan niya lang ito. "Alam ko. Sinadya ko rin naman kasing iwan 'yan." Nagkunot-noo ako. Hindi ko na naman siya maintindihan. Umupo siya sa swing at tumingala sa buwan. Nakatingin lang ako sa kanya. "Binasa mo ba?" mahina niyang tanong. Hindi ako nagsalita. Nanatil

