Chapter 20 Lumipas ang ilang buwan at hindi ko na siya nakita pa ulit. Hindi ko na dapat iyon iniisip pa kasi alam ko na mas nakakabuti 'yun. Wala rin naman siyang magandang dulot sa 'kin. Pero nakakainis kasi hindi ako mapakali. Unti-unti na kasi akong nasasanay na nandyan siya. Ginusto ko man o hindi, naging parte na siya ng buhay ko. Ilang beses ko ring pinag-isipan na pupuntahan ko siya sa ospital o sa eskwelahan kaso hinihila ako pabalik ng pride ko. Tama na. Ayaw ko na. Recognition day na ni Lovely at papunta kami sa eskwelahan niya. Alam ko na makikita ko si Joy, at hindi ko alam na papansinin ko ba siya o hindi. Sa totoo lang, hindi naman kami nag-away. Hindi ko rin alam kung ba't ganoon siya. Magulo siyang tao, at doon ko lang na-realize na ako lang palagi iyong nagre-reac

