Chapter 19

1056 Words
" This is so yummy!" Nagsalo sila sa inihaw na bangus at sa ibang bahagi nang Isla meron din palang nag alaga nang mga talaba. " Careful, Ezah. Is your stomach strong for this kind of food?" Tanong niya dahil ang talaba ang pinag diskitahan nito. Ito ang mapalad na napamanahan ng ama sa pagiging mahina sa inom. " I'm improving, Ava. Prepare the beer!" Sabi pa nito na inabutan naman ni Nikko. " Bodyguard ka ba ni Lavin o boyfriend?" Tanong nito nang abutin ang bote nang beer. " Hindi pa nag iinom lasing na, yan pala ang nag improved!" Biro ni Lavin, pilit na iniiwasan ang tanong at tukso sa kanya. " What's the real score Nikko?" Ito ang napag diskitahan ni Csezah.Pero bumaling lang ito kay Lavin at ngumiti sa dalaga. " Mom?" Umingos si Lavin dito. " Why do I have this feeling, it's M-o-m, not M-a-a-m.?" Malaki pa ang ngisi ni Csezah, habang nag umpisa na itong uminom nang beer. " Sisa!" Iling iling na sabi ni Lavin at tinapos ang pagkain. Kinausap muna sila nang lider nang purok bago sila pumasok sa kani kanilang kubo na pansamantalang tinutuluyan. Kinabukasan para silang mga nalugi dahil sa hindi magandang tulog. Mga namahay silang lahat, maliban kay Iris Nikko at Orly na bodyguard ni Scarlet. " Isang drum nang kape please." Sabi ni Scarlet na mukhang walang tulog. " Kumusta na kayo?" Bati ni Tita Natasha at kasama ang mga lider nang purok at mga kababaihan. " Tita, please make it two weeks." Sabi niya, na sinugandahan ni Scarlet at Czesta. "Okay, I understand. It depends kung matapos nang maaga ang activity dito. I will designate for all of you, accordingly." Matapos silang ma briefing nag kanya kanya na sila sa kanilang assignment. At kasama niya si Csezah. "So, dito tayo?" Tanong niya nang dalhin sila sa kabilang bahagi nang Isla. Ang fish pen para sa mga bangus na nasa gitna nang dagat. " Don't tell me maghahabol tayo nang bangus?" Naniningkit ang mga mata na sabi ni Csezah, habang nakatingin sa mga tao na abala sa pag harvest ng bangus. " Hello, ladies." Mula sa loob nang kubo na nag sisilbing pahingahan nang bantay lumabas si Stan. Topless ito at short na pinutol na maong ang suot. " Stan Lee?" Bulalas ni Csezah pagka kita sa binata. " Hi!" Bati lang nito kay Csezah na mukhang hindi makapaniwala na makikita ang lalaki dito. " Sumunod kayo sa akin." Sabi nito at nauna nang pumunta at sumakay sa speed boat na nandun. Hindi ito nag abala na alalayan sila. " Hindi mo man lang kami tinulungan. Eh, kung mahulog kami? Muy atascado!" Sabi ni Csezah na naka simangot. Sinabi niya ang salitang suplado sa salitang Espanyol. " Wala namang pating o buwaya dito." Sagot nito at pinaandar na nito ang speed boat at dinala sila sa pampang. Ipinakilala sila ni Stan sa mga kababaihan na nandoon. " Flor, ikaw na bahala magturo sa kanila nang dapat gawin." Sabi nito sa babae na abala sa pag deboned nang bangus. " Isa ito sa livelihood ni Mommy,na tumutulong para sa kabuhayan nang mga tao dito. Isa itong kooperatiba." Madami pang sinabi si Stan, pero hindi na siya gaanong nakikinig. Iniiisip niya paano mauubos ang tinik nang ilang banyera nang bangus na nandun. " Csezah you behave kung ayaw mong maiwan ka dito sa Isla." Narinig niyang sabi ni Stan kay Csezah. " Call me Ezah okay?" " Csezah mas bagay sa iyo." At ngumiti ito nang nakakaloko. "Minsan lang ngumiti nakakaloko pa." Hindi niya napigilan na komento sa binata. Nilingon siya ito, pero mabilis siyang lumapit sa sinabi nitong Flor. " Let's start!" Halos tatlong araw na sila sa ginagawa at nakasawa na din. Nakasimangot na si Csezah. " Amoy bangus na ako, malapit na din yata ako magkaroon nang kalislis." Naiinis na sabi niya at inamoy amoy ang sarili. " Kahit ang ulam pag hindi inihaw na bangus, prito o sinigang. Ava, I want meat this time." Kahit siya parang nasabik sa pagkain nang karne. Nasa puno sila nang sampalok at nag siesta nang napatingin sa manok na napadaan. Pareho silang nagka tinginan. Lumapit si Csezah sa isang babae na nandun at nagtanong. " Ava, pwede daw. Hulihin na natin." Tuwang tuwang na sabi ni Csezah. " This will be exciting." Sabi nito ilang saglit silang nakipag patentero sa manok hanggang mahuli nila ito. Dito sa Isla ang isa pa nilang natutunan ay magluto nang kanilang makakain. " Alam mo ba paano magkatay nang manok?" Tanong niya kay Csezah na parang excited masentensiyahan ang manok. " Just cut the head off?" Patanong nitong sagot, at muling, lumapit kay Manang Flor. Pagbalik nito meron na itong dalang itak. " Are you sure about that?" Tanong niya dito dinaganan nito nang bato ang ulo ng manok sapat para hindi ito gumalaw. " Just hold the feet, Ava." At ginawa naman niya, napansin nila ang mga bata na nakapanood sa kanila. " Wag gagayahin mga bata ha?" Sabi ni Csezah at tinaga nito sa leeg ang native na manok.Kasabay nang tili nila ang pagpalag nang manok, malakas na kumumpas ang mga pakpak at nabitiwan niya. Tili sila nang tili habang tinitinggan ang manok na walang ulo na gustong liparan si Csezah. " What the hell?!" Boses ni Stan na kababa lang sa motorsiklo, kasunod ang iba pa nilang kasama na tawa nang tawa sa eksena na naabutan. " Fvck, what did you do?" Tanong ni Stan at kinuha ang itak na hawak ni Csezah sa dalawang kamay. Itinuro nito ang manok na nawalan na din nang buhay. Umiling iling si Stan at tinawag ang ilang babae na nandun. " Ezah, ginigilitan nang leeg ang manok hindi pinupugutan." Natatawa na sabi ni Iris. At sinilip silang pareho na parehong may dugo sa katawan. " Bloody hell." Sabi ni Lavin na tawa nang tawa. " I will not let you eat that chicken." Sabi niya sa mga ito. " It's okay that's why we're here. We want to eat milkfish." Sagot ni Czesta, na hindi din itinago ang pagtawa sa nangyari sa kanila ni Csezah. " Sa farm kami nag work, I can smell chicken poops, pigs poops, cow's poops, and goats poops. It's so gross!" " Get used to it!" Sabay sabay na sabi nang mga kasama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD