Chapter 20

1082 Words
Wala ngang sumalo sa kanila sa tinolang manok na pina luto ni Stan sa mga kababaihan. Kinagabihan lahat sila pumunta sa fish pen sa gitna nang dagat. Tapos na ang pag harvest. Ang pag preserved na lang ang hindi pa tapos na kailangan na matapos para makabalik na din si, Stan. Kaya pala kinuha din nito ang iba. " Salamat sa tulong ninyo this is on me." Sabi ni Stan at naglabas nang malamig na beer mula sa cooler. " Sayang hindi ma enjoy ni Csezah, hindi kasi marunong uminom." Biro dito ni Scarlet at nagsimula na uminom. " Improved na iyan. Sabi niya." Natatawa niyang sabi dahil unang araw nila nagmalaki itong improved na pero hindi pa sila lasing naka subsob na ito sa mesa. " Oh yeah!" Sabay sabay na sabi nang mga kasama niya.Inabutan ito ni Stan. " Makikita mo." Sabi nito kay Stan at inabot ang beer in can. " Okay five thousand. In three cans, mag Spanish na iyan." Sabi niya sa mga kasama. "Ten thousand, five cans. Hindi na makatayo." Sabi ni Scarlet. " Ten thousand, five cans sasayawan niya si, Stan." Bet naman ni Lavin. " Anong meron?" Tanong ni Csezah habang pinipilit na pag hiwalayin ang mga nuts sa mixed dingdong na basta na lang inilagay sa platter. Nagtawanan lang sila sa dalaga. "Your name suits you." Sabi ni Stan habang iiling iling sa dalaga. Nasa gitna na sila nang kasiyahan at inuman nang biglang may dumating na speed boat. " Well, well, look who came?" Lahat sila napalingon sa bagong dating, biglang lumayo si Lavin kay Nikko. " Kai, Sebastian. Anong ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Lavin sa papalapit sa kanilang mga binata. Pawang nakasuot lang nang plain t-shirt at maong na pantalon. " May medical mission si Kai bukas and Sebastian helped with the air force thing." Si Stan ang nagpaliwanag at nakipag tapikan nang balikat bilang pag bati. " Oh not me, Mommy did. And she asked me to come and see Lavin." Lumapit ito sa kapatid at sinipat ang mukha. " You look okay. How about you Czesta?" Baling nito kay Czesta na nasa isang tabi at tahimik na umiinom nang beer. " I miss my bed." Sagot lang nito, nagbago agad ang anyo ni Sebastian. Halata ang simpatya nito sa dalaga. " Kumusta Scar?" Tanong ni Kai sa dalaga pero hindi ito sinagot. " Is it payback time?" Nakangisi na sabi ni Iris. " You're going back with me Iris. You need to report to your job." Sa halip na sabi ni Kai. " Aww, I'm still enjoying here." " What the fvck, Iris!" Lahat umangal sa sagot ni Iris na hindi nila alam kung nang aasar lang sa kanila. " Ihagis sa dagat iyan!" Sabi niya at sumugod sila kay Iris pero nakatago na ito kay Kai bago pa nila maitulak. " Stop, girls!" Sabi ni Stan at bumalik sila sa kanilang upuan. " I will tell Mom, just cut your stay here for two weeks." At nilingon nito si Csezah, na nagsisimula nang maging Espanyol. " Baka matuluyan si Csezah." Lahat sila napasigaw sa tuwa at pumalakpak. " Thank you, Stan." Nagpasalamat sila kay Stan, para naman nagtataka na tumingin si Csezah. " Que?" " Csezah, sayawan mo na nga lang si Stan." Natatawa na sabi ni Lavin sa dalaga na halatang lasing na. " I don't like it, Papa might kill me this time." Sabi nito at sumubsob sa lamesa. " Wala na!" Sabi ni Czesta na katabi na ngayon ni Sebastian. Sa pag inom niya nang beer, nasa dalawa ang kanyang mga mata. I hope they know what they're doing. "Why are you here, Ezah? Hindi ka naman kasama sa operation makes Aidan cry." Natawa siya sa sinabi ni Sebastian, hindi naman niya akalain it will end up like that. " Hmm? I got punished! I disobeyed Abuela. She wants me to marry someone. Katulad nang ginawa niya kay Papa. No me casaré con la que no amo!" Masama ang loob nito na uminom ng beer pero wala na pala itong laman kaya itinaas at sinilip. " Tsked!" Sabi ni Stan at inabutan ito ng bote nang alak. Na mabilis naman nitong kinuha. " Hoy, gusto mo bang buhatin iyan?" Sawata niya sa binata pero nasa bibig ni Csezah ang alak at nilagok. " Makabago na ang panahon, Ezah." Kinuha ni Sebastian ang alak dito. " Abuela is not new, she's old and I almost gave her a heart attack. Que horror!" Boses lasing nitong sabi. " How you can refuse if it's her health at stake? Hindi kaya nang konsensiya mo." Tanong niya dito may dahilan nga kaya kailangan itong dalhin sa Isla. Para makapag nilay. " I Don't know! Maybe I will stay here on the island forever? Mag alaga na lang nang manok at mag deboned ng bangus?" " Crazy! Is that the solution you think?" Sabi ni Stan na masama ang tingin sa dalaga. " You can help me?" Hindi ito nagsalita,uminom lang alak mula sa, shot glass nito. " He can help you!" Sabi ni Kai na seryoso ang tinig. " How?" Tanong ni Csezah at lahat sila naghihintay nang sagot mula kay Kai. " Look for someone who can pretend to be your husband." "Pretend husband?" Parang naguguluhan na tanong ni Csezah. " Yup, just pretend para lang hindi ka maipakasal. For sure you will be pressured and somehow you can't say no if they used your grandma's condition." " It makes sense." Sabi niya, at natahimik naman si Csezah. " And who will pretend?" Bubulong bulong na sabi ni Csezah. " He should be someone you knew for a long time. So, they will not be surprised if both of you got engaged." Suhestiyon ni Sebastian. Bukod sa bodyguard ni Lavin at Scar na bago lang nitong kakilala. Si Stan lang ang pwede dito dahil pinsan nito ang dalawang lalaki. " Si Stan!" Turo niya sa lalaki na muntik nang malunod sa alak na ininom. " Bakit ako?" Tanong nito sabay turo sa sarili. " Stan Lee, pretend to be my fiancé." Biglang tayo ni Csezah, lumapit sa binata at yumakap dito. " I'll do anything, just help me." Sabi nito na mahigpit pa din ang hawak sa binata na wala naman balak kumawala. " Ikaw Kai, kung ano ano naman solusyon sa problema ang pinagsasabi mo. Pero problemang malaki ang binibigay mo sa akin." Pagtanggi nito pero makahulugan na ngisi lang at kindat ang sagot ni Kai.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD