EVAN POV Lumipas ang ilang buwan… hindi, ilang taon na pala. Ang bawat araw na lumipas mula noong huling beses kong makita si Diyosa ay parang bato sa dibdib ko bigat, sakit, at pagsisisi na hindi ko na matanggal. Hanggang ngayon, bawat oras ay nararamdaman ko pa rin ang kirot ng hiwalayan namin, ang panghihinayang, at ang pagdududa sa sarili kong mga desisyon. Bakit ba ako pumayag? Bakit ko hinayaan na sirain ang lahat ng dapat sana’y kayamanan ng ating pagmamahalan? Tanga mo, Evan… tanga mo talaga. Pero ngayon, may bagong lead ako. Isang impormasyon mula sa private investigator na matagal ko nang kinukuha, isang detalyadong tala ng galaw ni Diyosa. May mga litrato, surveillance videos, at mga update sa lokasyon niya. At nang makita ko ang huling ulat… humalo ang galit at saya sa katawa

