CHI-CHI POV Mahahanap rin kita, Diyosa at mapapasakin ka rin tahimik ang penthouse ko, ngunit hindi mapigil ang kumukulong galit at kasabikan sa dibdib ko. Ang liwanag ng lungsod sa labas ay naglalaro sa bintana, tila nagbabantay sa bawat galaw ng mga anino sa loob. Ang kristal na baso ng mamahaling alak sa mesa ko ay malumanay kong iniikot, pinapansin ang bawat kumikislap na sinag na dumadampi rito. Nakaupo ako sa malambot na leather chair, nakatalikod sa bintana, nakatingin sa mga dokumento at larawan na nakalatag sa mesa mga larawan ni Diyosa, mga financial records, mga flight logs, lahat ay iniimbestigahan ko nang detalyado. Months had passed. Ang babaeng iyon, na dati kong akala’y madaling makukuha, ay naglaho nang parang usok sa hangin. Bawat galaw niya ay sinusundan ko sa isip. B

