THIRD PERSON POV Sa kabilang dako, tila nauubos na ang pasensya ng lalaking kinatatakutan ng marami si Chi-Chi. Nakaupo siya sa gitna ng kanyang pribadong opisina malawak, malamig, at punong-puno ng karangyaan. Floor-to-ceiling ang salamin, tanaw ang buong lungsod, ngunit wala siyang pakialam sa tanawin. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay isang bagay hanapin si Diyosa at wasakin ang sinumang nagtatago rito. Mariin niyang pinaikot ang laman ng whiskey sa kanyang crystal glass. Tahimik ang buong kwarto, ngunit ang katahimikan ay parang bagyong nagbabadya. Nakahanay sa harap niya ang kanyang mga tauhan lahat nakayuko, lahat takot. “Ilang buwan na…” malamig niyang sabi hindi siya sumigaw mas nakakatakot iyon. “Sabihin ninyo sa akin…” dahan-dahan siyang tumayo, “bakit hanggang ngayon…

