DIYOSA POV Inaya ako ni Evan na mag-date kami ngayong gabi simple lang ang pagkakasabi niya kanina walang arte, walang paligoy-ligoy. Pero sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin, alam kong may kung anong kakaiba. May kung anong espesyal. Kaya kahit pagod ako mula sa maghapong pag-aalaga kay Lola Elena, agad akong pumayag. May katulong na kaming naiwan para magbantay kay Lola, at panatag ang loob ko kahit paano. Alam kong ligtas siya. Pagsapit ng gabi, sinundo niya ako. Nakasuot lang siya ng simpleng jacket, pero ewan ko ba parang ang gwapo niya lalo. Siguro dahil sa paraan ng ngiti niya. O baka dahil sa pakiramdam na matagal ko nang hindi naramdaman: ang pakiramdam na pinipili ka, na gusto kang ipagdiwang hindi niya agad sinabi kung saan kami pupunta. Tahimik lang kami sa biyahe. May mg

