DIYOSA POV Yun pala. Yun pala ang dahilan. Habang nakatayo ako sa harap niya, habang pinagmamasdan ko ang lalaking akala ng buong mundo ay mamamatay-tao, doon ko lang tuluyang naintindihan hindi siya kriminal. Isa siyang taong nasagasaan ng kasinungalingan, nilamon ng takot, at iniwan ng mga taong dapat sana’y kumampi sa kanya. Masakit pala. Hindi ‘yung tipo ng sakit na iiyak ka agad. ‘Yung sakit na tumatama muna sa dibdib, tapos saka ka lang hihirapan huminga. Kaya bago pa man ako makapag-isip ng kahit anong kalokohan na usually specialty ko tinapik ko siya sa balikat. Isang mahinang tapik. Pero puno ng bigat. “Hey,” sabi ko, mahina. “Okay ka lang ba?” Ang tanga kong tanong. Sino bang okay pagkatapos ikwento na ninakawan siya ng anim na taon ng buhay? Tumingin siya sa’kin. Hi

