THIRD PERSON POV Tahimik ang gabi sa Pampanga, pero hindi tahimik ang mga pusong naglalakad sa ilalim nito. Ang buwan ay kalahati lamang ang liwanag, parang mismong kalangitan ay nagdadalawang-isip kung dapat ba nitong ilawan ang mundong puno ng sugat at lihim. Sa isang lumang kalsadang may mga punong mangga sa gilid, magkatabing naglalakad sina Lucian Estevan “Evan” Belloro at Diyosa Calytrix Ferrera dalawang kaluluwang pilit tinatahi ang sarili matapos wasakin ng kani-kanilang mundo. Hindi sila magkahawak-kamay. Hindi rin sila magkalapit. Pero ramdam ang bigat ng presensya ng isa’t isa. Parang anumang maling hakbang ay pwedeng magpaalala sa kanila ng mga bagay na ayaw na nilang maramdaman. Nauna si Evan maglakad. Bahagyang nakayuko, nakasuksok ang mga kamay sa bulsa, parang handa

