EVAN POV Umalis na lang ako. Literal na tumalikod ako sa sarili kong bakuran na parang hindi ako ang may-ari ng buhay na ‘to. Habang naglalakad ako palabas ng gate, ramdam ko pa rin ang init ng ulo ko, ang t***k ng dibdib ko, at ang boses ni Diyosa na parang echo sa utak ko. Babe. Asawa. Baby. Piggyback. Walis tingting. Diyos ko. Hindi pa ako nakakalayo nang “HAHAHAHAHAHA!” Tumigil ako. Dahan-dahan akong lumingon. Nandoon si Lola, nakatayo sa may pinto, hawak ang tiyan niya sa kakatawa, halos mabitawan ang salakot niya. “Lola…” sabi ko, pagod na pagod. “Bakit po kayo tumatawa?” “Evan,” sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mata, “para kang kalabaw na hinahabol ng ipis.” “Hindi po nakakatawa,” sagot ko, seryoso. “Hindi?” tanong niya. “Eh kanina, walis tingting, ngayon, ikaw

