CHAPTER 48

1711 Words

EVAN POV Grabe. Hanggang ngayon parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat andito pa rin kami sa loob ng tent tahimik ang paligid, malamig ang hangin, at sa labas, ang mga bituin parang mas maliwanag kaysa dati. Nakaunat ako sa banig, bahagyang nakasandal, habang si Diyosa ay nakahiga sa tabi ko, ang ulo niya’y nakasandal sa braso ko na parang iyon na ang natural na lugar niya sa mundo. At sa isip ko, oo nga, doon talaga siya nababagay. “Hindi ka ba nilalamig?” tanong ko, mahina ang boses ko, parang ayokong guluhin ang sandaling ito. Umiling siya, mas lalong isiniksik ang sarili niya sa tabi ko. “Hindi. Mainit naman eh,” sagot niya, sabay ngiting may halong hiya. “Ikaw?” Napangiti ako. “Hindi rin,” sagot ko, kahit ang totoo, hindi ang lamig ang iniisip ko kundi kung gaano ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD