THIRD PERSON POV Tahimik ang gabi sa Siquijor, pero ang katahimikang iyon ay nilalamon ng dalawang taong hindi marunong tumahimik kapag magkasama. Nasa veranda sila ng maliit na inuupahang bahay si Evan nakasandal sa railings, si Diyosa naman nakaupo sa sahig, yakap ang tuhod, nakatingala sa langit na punô ng bituin. Dapat romantiko ang eksena. Dapat. Pero syempre, kasama si Diyosa walang dapat. “Uy,” biglang sabi ni Diyosa, seryoso ang tono. “Kapag naging multo ako, babalikan talaga kita.” Napalingon si Evan. “Bakit ako?” “Eh ikaw lang kilala kong pwedeng gulatin kahit patay na,” sagot niya sabay tawa. “Wow,” sabi ni Evan. “Ang sweet mo ha. Pang-forever.” “Pang-forever scare,” sagot niya. Napailing si Evan, napangiti kahit pilit tinatago. Lumapit siya at umupo sa tabi ni Diyosa,

