EVAN POV Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo sa may pintuan. Tahimik lang ako. Hindi gumagalaw. Parang kapag huminga ako nang malakas, may mababasag. May maririnig. May mawawala. Nakita ko si Diyosa nakaupo sa sahig, yakap ang sarili niya, nakasandal sa pader. Nakalugmok. Hindi ‘yung arte-arte na iyak na madalas niyang ginagawa kapag trip lang niyang mang-asar. Ito… iba. Tahimik na hagulgol. ‘Yung iyak na walang sound pero ramdam mo sa dibdib. ‘Yung iyak na matagal nang kinikimkim, tapos biglang bumigay. At doon ako… naawa. Hindi ‘yung simpleng awa. Hindi ‘yung “kawawa ka naman" ‘Yung klase ng awa na parang may humigpit sa dibdib ko. ‘Yung parang gusto kong suntukin ang mundo dahil hinayaan nitong mangyari sa kanya lahat ‘yon. Dahan-dahan akong lumapit. Hindi ko al

