DIYOSA POV Biglang tumunog ang cellphone ko. Isang tunog lang pero parang may humigop ng hangin sa paligid. Daddy. Nanlamig ang mga daliri ko habang tinitigan ang screen. Hindi ko pa sinasagot, pero ramdam ko na agad ang bigat. Alam ko na kung bakit siya tumatawag. Alam ko na ang tono ng boses niya bago pa man siya magsalita. Alam ko na ang mga salitang ibabato niya sa akin mga salitang ilang beses ko nang narinig simula pagkabata. Huminga ako nang malalim. Sagot o takbo? Wala na akong lakas tumakbo. Sinagot ko ang tawag. Agad bumukas ang video call, at bumungad ang mukha ni Daddy mahigpit ang panga, nanlilisik ang mata, suot ang pormal niyang polo kahit gabi na. Sa likod niya, kita ko ang sala namin sa mansion. Malinis. Tahimik. Perpekto. Kabaligtaran ng dibdib kong nagkakagulo.

