MORWEN POV Hindi ako naniwala hindi ako kailanman naniwala sa unang sagot ng matandang iyon kaya bumalik ako. Same dusty road. Same kahoy na bahay na parang isang malakas na ulan lang ang pagitan bago tuluyang gumuho. Same amoy ng lumang kahoy, dahon, at kung ano mang niluluto ng kapitbahay na parang walang asin. I swear, how do people even live like this? Pinatay ko ang makina ng SUV at huminga nang malalim, inayos ang buhok ko sa salamin. “Okay, Morwen,” bulong ko sa sarili ko. “Be calm. Be classy. Be smart. Hindi ka pwedeng magmukhang desperada.” Pero sa loob-loob ko? I was boiling bumaba ako at muling kumatok sa pinto. This time, mas mariin. Mas may diin. Parang sinasabi ng mga knuckles ko: May sagot kang utang sa akin, matanda ka. Mabagal na bumukas ang pinto. At doon ko ulit n

