THIRD PERSON POV Ang pagiging billionaire ni Diyosa ay hindi naging kalasag kundi mitsa ng mas malaking panganib. Sa mata ng mundo, siya ang babaeng may lahat: pera, talino, impluwensiya. Ngunit sa mata ni Chi-Chi, ang lahat ng iyon ay hindi hadlang, kundi hamon. Isang hamong kailangang durugin. Isang tropeong kailangang wasakin. Isang babaeng kailangang mapasakanya anumang kapalit. Hindi siya sumuko hindi kailanman sumuko si Chi-Chi sa loob ng pribadong opisina niya sa isang mataas na gusali sa Makati, nangingibabaw ang katahimikan ang uri ng katahimikan na mabigat, nanununtok sa dibdib. Ang salamin mula sahig hanggang kisame ay nagpapakita ng ilaw ng siyudad, kumikislap na parang mga bituin. Ngunit para kay Chi-Chi, ang mga ilaw na iyon ay walang saysay. Lahat ng liwanag ay tila kumuk

