MASHIO POV Hindi ko alam kung pagod lang ba ako, o sadyang sunod-sunod na lang talaga ang mga bagay na kayang gumulat sa’kin ngayong mga nakaraang araw. Pagkalabas namin ng ospital, diretso agad ang sabi ni Diyosa, “Kuya, uuwi muna tayo sa bahay ko.” Bahay ko napatingin ako sa kanya habang binubuksan niya ang pinto ng sasakyan. “Ha? Bahay mo?” ulit ko. “Anong bahay mo?” Ngumiti lang siya. Yung ngiting alam mong may tinatago. “Basta, Kuya. Sumama ka na lang.” Sa likod, si Evan medyo maputla pa, may benda sa dibdib nakasandal sa upuan, tahimik lang pero halatang inaabangan din ang mangyayari. Paminsan-minsan, sumisilip siya kay Diyosa, parang natutuwa, parang proud, parang may alam na ako ang wala. Habang bumibiyahe kami, ramdam ko ’yong katahimikan. Hindi awkward kundi ’yong katahim

