DIYOSA POV Kung may Guinness World Record lang para sa pinaka-awkward pero pinakamasayang sandali ng buhay ko, sigurado akong panalo ako doon. Nandoon kami sa kwarto ni Evan amoy antiseptic, tunog ng makina, malamig ang sahig pero ang puso ko? Mainit. Kabado. Masayang kabado. ’Yong tipong kahit umiiyak ka na kahapon, ngayon parang gusto mong tumawa, umiyak, at manuntok sabay-sabay. May hawak akong kutsara. May hawak din akong lakas ng loob. “Ahhh,” sabi ko, pilit na masigla, sabay lapit ng kutsara sa bibig ni Evan. Si gago? Binuka agad ang bibig. Walang arte. Walang tanong. Parang batang gutom na gutom. “Grabe ka,” sabi ko, nakataas ang kilay. “Hindi ka ba nahihiya? May amnesia ka tapos ang lakas mong kumain.” Ngumuso siya habang ngumunguya. “Masarap eh.” Sa gilid namin, si Kuya M

