MASHIO POV Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa habang nakatayo ako sa labas ng kwarto ni Evan. Amoy ospital halo ng antiseptic at kaba pero mas mabigat ang hanging bumabalot sa dibdib ko. Ilang araw na mula nang ma-operahan si Evan, at ilang araw na ring halos hindi umaalis si Diyosa sa hallway na ’to. Kapag hindi siya umiiyak, tahimik siyang nakaupo sa sahig, yakap ang tuhod, parang batang napagod umiyak pero hindi pa tapos masaktan. At ang mas masakit? Hindi niya alam. Hindi niya alam na gising na si Evan. Hindi niya alam na nagpapanggap lang ang lalaking halos ibuwis ang buhay para sa kanya. Ako lang ang nakakaalam. Ako lang ang kasabwat. Kanina lang, pumasok ako sa kwarto ni Evan para kumustahin siya. Tahimik siya, seryoso, nakatingin sa kisame na parang may binibilang na bi

