CHAPTER 35

1928 Words

THIRD PERSON POV Mabigat ang hanging bumalot sa buong ospital nang gabing iyon. Hindi iyon dahil sa lamig ng aircon o sa katahimikan ng mga pasilyo kundi dahil sa bigat ng mga pusong nagdurusa sa bawat segundo ng paghihintay. Ang bawat hakbang ng mga nurse, ang bawat tunog ng makina, at ang bawat bukas-sarang pinto ay parang may dalang kirot na dumadagdag sa sugat na hindi nakikita. Sa loob ng silid, nakaupo si Evan sa kama, nakasandal sa mga unan. Maputla ang mukha niya, bakas pa rin ang mga sugat sa katawan mga pasa, benda, at tahi na nagsisilbing alaala ng impiyernong dinaanan niya. Ngunit higit pa sa pisikal na sugat, may mas malalim na sakit na nakatago sa likod ng mga mata niyang seryoso at tahimik. Hindi siya nagsasalita hindi dahil hindi niya kaya kundi dahil pinipili niyang man

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD