DIYOSA POV Maraming buwan ang lumipas, maraming gabi ng pag-iyak sa tahimik na apartment ko sa France. Maraming umaga na gigising akong may mabigat na pakiramdam sa dibdib pero kailangan kong bumangon. Hindi na lang para sa sarili ko… kundi para sa dalawang pusong sabay na tumitibok sa loob ko. Unti-unting lumaki ang tiyan ko, kasabay ng unti-unting pagtanggap ko sa bagong buhay na naghihintay sa akin. Sa bawat paghaplos ko rito, lagi kong binubulong. “Hindi man kumpleto ang pamilya natin… pero hindi kayo magkukulang sa pagmamahal.” Napangiti ako kahit may luhang tumulo natuto akong mag-isa, natuto akong pumunta sa check-ups nang walang kamay na hawak. Natuto akong tumawa kahit walang kasama sa ultrasound room. Natuto akong ngumiti sa doktor habang sinasabi nitong healthy ang kambal k

