THIRD PERSON POV Lumipas ang mga araw na naging linggo, ang mga linggo na naging buwan, at sa bawat pag-ikot ng oras ay tila unti-unting inililibing ni Diyosa ang sarili sa katahimikan. Hindi siya tumakas pinili niyang lumayo. Hindi dahil mahina siya, kundi dahil kailangan niyang huminga sa isang lugar na walang alaala ni Evan, walang anino ng sakit, walang bakas ng panlilinlang. France ang napili niyang puntahan. Isang bansang hindi niya kailanman inakalang magiging kanlungan ng kanyang sugatang puso. Sa Paris, sa ilalim ng malamlam na liwanag ng umagang dumadampi sa makukulay na gusali, naglalakad si Diyosa na tila isa lamang ordinaryong babae. Nakasuot ng simpleng coat, nakapulupot ang scarf sa leeg, at ang mga mata’y laging may lungkot na hindi kayang itago ng kahit anong ganda ng

