DIYOSA POV Tahimik ang bahay ‘yung klaseng katahimikan na hindi nakakapanatag kundi nakakasakal. Nandito ako ngayon sa sala, nakaupo sa malamig na sahig, yakap ang mga tuhod ko. Nakapatay ang ilaw pero wala namang saysay kahit buksan ko pa. Kahit anong liwanag, hindi nito kayang tabunan ang dilim sa dibdib ko. Ang bigat. Ang sakit. Parang may kamay na mahigpit na humahawak sa puso ko at dahan-dahang pinipiga, paulit-ulit, walang awa. “Huminga ka, Diyosa,” bulong ko sa sarili ko pero kahit anong pilit ko, hindi sumusunod ang katawan ko. Kanina pa ako umiiyak. Hindi ‘yung iyak na may hikbi lang kundi ‘yung iyak na galing sa pinakailalim ng pagkatao mo. ‘Yung iyak na parang may namatay. Kasi parang may namatay nga. Parang namatay ‘yung babaeng naniwala, umasa, at nagmahal nang buo. Tumayo

