CHI-CHI POV Naka-upo ako nang komportable sa malambot na sofa, isang paa naka-cross sa kabila, habang dahan-dahang iniikot ang wine glass sa kamay ko. Ang ilaw sa loob ng private lounge ay dim, sapat lang para magmukhang elegante ang lugar at sapat din para magtago ang mga ngiting may bahid ng kasamaan. Sa harap ko, si Morwen, parang batang nanalo sa arcade hindi mapakali, hindi mapigilan ang ngiti, at halatang sabik na sabik sa resulta ng ginawa namin. “Cheers,” sabi ko sa kanya, kalmado ang boses pero may halong panunuya. Tinaas ko ang baso ko. “Successful ang ating plano.” “OMG, yes!” halos mapasigaw siya habang itinaas din ang baso niya. “Like, hello? Totally successful. I mean hello? They’re done. Finished. Over. Bye-bye fairytale.” Nagtagpo ang baso namin, clink, at sa tunog na ‘

