KILALANG-KILALA ko siya… Natigilan si Lucas nang patuloy niyang sinusuri ang mukha ng lalaking nasa screen. “Ninety-eight percent na siguradong siya ‘to, Mr. Kim. Kitang-kita naman, ‘di ba?” Nahinto sa pagngiti si Wilkins nang lingunin niya si Lucas na namumutla. Kahit tuloy ang dalawa ay napatingin din sa kanila. “Mr. Kim, okay ka lang?” tanong tuloy ni Layne. “O-okay lang ako. Please send that in my e-mail. Ipapa-print ko,” sabi niya na lang. “No problem. Pini-print na.” Nakita nila ang paglabas ng isang photo paper sa laptop ni Wilkins. Kinuha nito ang litrato matapos makumpleto ang pagkaka-print at ibinigay ito kay Lucas. “Thank you. Anyway, bibisita ako riyan sa bake shop ni Kye. May ipapabili kayo?” “Mr. Kim, alam mo naman paborito namin pagdating diyan.” Nagtaas-baba pa

