Kabanata 37

2046 Words

“GAIA!” Nakita ni Gaia ang pagsunod sa kanya ni Ethan pagbaba niya sa tricycle. Hindi niya muna pinansin ang pagtawag na iyon. Masama ang loob niya sa pag-iwan sa kanya ng lalaki noon sa inuman at hindi man lang nito tinupad ang pangako na ihahatid siya pauwi. Nahinto siya nang harangin siya nito sa gitna ng kalsada. “Gaia…” “Bakit?” tanong niya saka muling naglakad. “Bakit ang aga-aga mong nakasimangot?” “Wala ka na roon.” Nagtuloy-tuloy ang mabilis niyang paglakad. Nahinto si Lucas nang makita niya si Gaia na may kasamang lalaki na dumaan sa harapan ng café niya. Sinilip niya ang relo at nakitan alas nuebe na ng umaga. Hindi siya opening ngayon. Ngunit hindi lang iyon ang napansin niya kundi ang pagbusangot ng mukha nito habang ang lalaking naglalakad ay nakasunod sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD