HINDI alam ni Lucas kung bakit nangangati ang mga paa iyang maglakad-lakad ngayong araw. Pagkatapos niyang tulungan ang kanyang mga crew na maglinis ay lumabas siya at pinanood ang mga sasakyang paroo’t parito na dumadaan sa tapat ng café nila. Masyado nang mainit ang alas dose ng tanghali upang tumambay pa nang matagal sa labas lalo na’t may sout siyang hoodie jacket kaya habang naima-manage pa ng tatlo ang dami ng tao sa loob noon, dinala siya ng mga paa niya sa katabing mall nito kung saan nagtatrabaho si Gaia sa isa sa mga stores nito. Hindi niya naman balak na puntahan ang babae dahil paniguradong abala ito sa pagtatrabaho at wala siyang balak na istorbohin ito pero gusto niya lang i-check kung paano ito magtrabaho—iyon lang at wala nang iba. Nang mapadaan siya roon ay masyado n

