“WALA akong gustong mangyari kundi ang isang bagay—huwag na huwag mong susuportahan si Temyong sa gusto niyang mangyari. Tutal, mukhang gusto ka naman niyang kalabanin talaga, bakit hindi mo na lang siya tanggihan, hindi ba?” Hindi na umalis pa ng conference room na ‘yon sina Steve at Marijean dahil nagpa-order na lang ang lalaki ng dalawang kape para sa kanilang dalawa. Alam nitong mapuputol ang pag-uusap nilang dalawa kung sakali mang lumabas pa silang dalawa. Pabor din naman ‘yon kay Marijean. Ito siguro ang kauna-unahang pag-uusap nila nang matino ng lalaki magmula pa noong magkakilala silang dalawa. Masyadong mabigat ang loob ng lalaki sa kanya kahit na wala naman siyang ginagawang hindi maganda rito. Galing din naman siya sa mahirap na pamilya at naging matagumpay lang siya sa

