HINDI pa man na-i-pa-park nina Six ang kani-kanilang sasakyan sa garahe ng bahay ni Lucas ay nakatanggap na sila ng sagot mula sa grupo ni Elsa. “Maaga tayo bukas,” bungad niya kaagad sa mga kasama pagbaba ng sasakyan. “Sa palagay mo, Lucas, mga ano’ng oras natin sila pwedeng sunduin?” “Eleven in the evening gaya ng napag-usapan. O kaya nama’y fifteen minutes bago mag-eleven ay naroon na tayo para makita natin kung darating ulit si Temyong kagaya ng nangyari kanina,” sabi ng lalaki. “Kinabahan ako kanina, ah! Akala ko mahuhuli tayo kaagad.” Nakahawak pa sa dibdib si Boy habang nagkukwento nang makalapit sa kanila. Habang patuloy nilang pinag-uusapan ang nangyari kanina papasok ng pinto, nahagip ng mata ni Lucas ang ama’t ina na nasa dining area. May dalawang baso ng kape sa kanilan

